Like and Follow:


Thursday, September 22, 2011

Ang Sulat ni Blog


Dear Facebook,

I like you better nung simple ka. Bakit ngaun nagsisimula ka ng umarte at maging komplikado. Natatakot ako na dumating ang araw na baka magaya ka sa kapatid mung si FRIENDSTER na ngaun ay laos na at puro laro nlng ang alam sa buhay at sa pinsan mong si MULTIPLY na kung anu-anu na ang binebenta. Mabuti pa ang kapatid mong si  TWITTER kahit puro daldal at chismis ay nananatiling simple. At ang pinsan mong si TUMBLR, na bagamat may sariling mundo ay piniling maging payak at tahimik. Wag ka masyado maghangad ng pagbabago at baka ito ang ikasira mo. Nahihirapan na akong intindihin ang mga ginagawa mo. Magsilbi din sanang banta sayo ang pagdating ng iyong karibal na si Google+.

Sincerely yours,
Bloggers