Like and Follow:


Saturday, July 21, 2012

Toy eets ah Ter


 Second year. Section I. Isang araw, buwan ng Hunyo, sa isang public high school. Hinati ‘yung canteen, ung kalahati room naming. Siguro mga 40 students kami. 39 lang ang upuan, at 30 lang ang ayos. Siyam ang magtitiyaga sa mga gumigewang na salumpuwit. Isa ang araw-araw na makikipag-trip to Jerusalem. Ako un.

Isang istante lang ang naghihiwalay sa klase namin at sa mga kusinerang nagluluto ng sopas. Sa room na ito kami pinagdala ng laruan para ipakita sa klase. Show and tell. Wlang problema, seaman si tatay. Nagdala ako ng Volture Helicopter. Walang kwenta, pero un ang dinala ko dahil un ang kasya sa bag kong maliit. Mataimtim akong dasal habang naghihintay na matawag sa recitation. Angtagal. Ngawit na ako sa pagtataas ng kamay ibang volunteer, tapos na lahat, at wala na syang choice kundi tawagin ako.

John Kent!

Lumuwa ang mata ng mga classmates ko nang magpunta ako sa harapan. Nakita nila ang laruan kong de-batter. Nung mga panahon na un, sikat ang jolens lang ang laruan ng mga kabataan sa amin. Ang sino mang may battery-operated na laruan e diyos.

ituloy... nakakapagud mag isip!!!