Like and Follow:


Friday, February 4, 2011

ANG KWENTONG KALUKUHAN


Maraming salamat sa aking mga magulang, kapatid, kaklase, kasama, kakosa, kapuso, kabarkada, at ka-iba sa inyong suporta. Sa lahat ng sponsors para sa aking hair and face, shoes and clothing na kailanagn ko sa paggawa ng kwentong ito. Sa mga supporters, maging mga tao, hayop, halaman, at anumang uri ng matter na naging inspirasyon ko sa paggawa ng kwentong ito. Salamat sa inyong lahat…Ang kwentong ito ay inaalay ko sa mga tao na naniwala sa aking mga ginagawa, sa mga hindi, salamat parin. Kapag hindi ka talaga maniniwala kailanman, magkita na lang tayo sa gate ng bahay mo, pero text mo muna ako kung saan yun. Para sa mga tao na nais matuto at mapalawak pa ang Kaalaman, Karunugan at Kalokohan. Para sa mga nagtiatiyaga sa mga walang kwentang mga sulatin tulad nito alay ko ito sa inyo …
ANG KWENTONG KALUKUHAN
REVISED BY: JHAY JAY

Unang Pauna


      Nahihirapan ka ka ba sa iyong buhay? Nais mo mang ipanganak na lamang sa ibang panahon at lugar? Desperado ka na ba? Sa tingin mo ba na hindi mo kaya na mabuhay dahil ang tingin mo dito ay sobrang gulo? Hindi ka na ba makahanap ng thrill sa buhay mo? O sinadya ba ng tadhana na ikaw ay mabuhay sa isang boring at walang kakuwenta-kwentang buhay? Puwes, narito na ang sagot sa iyong problema! Mga kaibigan, kasama, kapamilya, kapuso, kabarkada, kakosa at ano pang ka-, ito na ang sulusyon sa iyong problema. Bigyan ng bagong buhay ang inyong kapalaran! Lagyan ng anghang ang walang kalatoylatoy na paglalagi sa daigdig, tamisan ang maalat at mapapait na karanasan na iyong napagdaanan, asiman mo pa ng mga paraan upang maging masaya ang buhay at lagyan ito ng linamnam para masabi mo na masya ang iyong buhay. Tandadahdah…Ito ang Kwentong Walang Kwenta! Ang pinakakomprehensibo at pinakamadaling pagintindi sa buhay natin kahit saan, kahit kalian maasahan.Ito ang inyong swiss knife ng inyong buhay! Ang salbabida mo sa malawak na dagat ng mundo! Ang abrilata sa mga nakatagong lata ng kaalaman! Ang kwentong ito ay puno ng mga kaalaman tungkol syempre sa buhay. Kung ang buhay ay napakakomplikado na maintindihan at mahirap sabayan ang tugtugin ng mga problemang dumarating. Ito ang praktikal na basahin upang maging wais sa buhay. Pero huwag naman itong sobrang tangkilikin at ilagay sa altar para sambahin.

      Hangad ng kwentong ito na mabuksan ang inyong isip at matuto sa iba't ibang mga kailangan sa buhay. Back to basics ika nga pero mas pinalalim at may examples mula at hango sa tunay na buhay ng mga buhay at namayapang tao. Kaya nga KWENTONG KALUKUHAN eh, tungkol ito sa akin, iyo, at sa ating lahat.

      Hindi ito nobela, anthology, slumbook, dictionary, encyclopedia, at thesis, ni hindi ito inspirational book tulad ng Chicken soup for the Soul, o kaya Purpose Driven Life. Simpleng Kwentong na may bonus na kung ano pang ka-ek-ekan na maari mo makuhanan ng wisdom XD knowledge XD at inspiration XD. Sa tingin ko siguro naman ay maari kang makahanap ng mga ilang bahagi na nakakainspire sa iyo kahit paano mula sa mga kuwento ng ating buhay na talagang related sa ano pa eh di loko! Hindi man ito kasing kisig tulad ng Da Vinci code o Noli me Tangere makikta mo at mauunawan na ang life pala ay astig. Hindi na kailangan na mabuhay sa pantasya o lumunok ng bato at sumigaw ng darna! Kahit anong ang inyong pinangalingan, pinaniniwalaan, lahi at kultura, kailangan mo ang kwentong ito!
Warning!

      Ang sumusunod ay hango sa malikot na pagiisip ng awtor. Maaring sundin ang mga tips na handog ng kwentong ito dahil hango naman ito sa mga totoong pangyayari at sitwasyon, pero syempre may ilang mga bagay na idinagdag para malibang naman ang isipan at hindi tuluyang makatulog sa pagbabasa. Sana ay ang Common Sense lamang ay pairalin, Sentido Comon sa espaƱol, at Komon Sens sa Tagalog. Hindi ito nag-eendorso ng anumang produkto, stasyon ng TV, radio, o dyaryo maliban na lamang kung magpaadvertise sa aming pages.

      Kung ikaw ay bata at wala pang alam tuingkol sa sex, violence, foul words, at geomancy, dapat ay may patnubay ng magulang o mga nakakatanda upang igabay ang iyong diwa sa tamang landas at maiwasan ang mga pagkakataon na sumuod ang iyong mga magulang at minumura ako dahil ako ay nagsususlat daw ng isang babasahing walang tinuturong aral.

      Hindi naman ganoong kagrabe ang nakasulat dito, nakapaloob lamang kasi ang mga bagay na hindi madaling unawain sa batang pag-iisip. Pero talagang wholesome ito, R-18 above and below, graded AB pa nga ito ng MTRCB.

      Kung ikaw naman ay isang tinedyer, maging tambay, housemate, out of school youth, nagtratrabaho na o estudyante, maari mong magamit ang kwentong ito para maintindihan mo ang iyong buhay lalo na sa iyong edad. At mas magkakaindihan kayo ng kwentong ito dahil tinedyer pa rin ang gumawa nito (promise!seventeen ko lang kaya “teen” pa rin ako), kaya pwede rin na teenage guide din ito. At para sa inyong nasa matanders stage ng buhay, pwede rin! Dahil pareho-pareho lamang ang ating buhay at naiiba lamang ito kung paano natin ito isabuhay. Bilang mga nilalang na nabubuhay sa masalimuot at masarap na buhay na ito, maganda na ating tignan ang ating buhay at intindihin nnatin ito, lalo na na nag-iisa lamang ito. Maging ikaw ay umabot sa 100 taon na, pwede pa, lalo na sa mga nakakaranas ng 2nd childhood, kahit 3rd o 4th pa yan . Sabi nga na KWENTONG KALUKUHAN ito! As in K-W-E-N-T-O-N-G K-A-L-U-K-U-H-A-N! Ang kulit mo at binabasa mo pa ang warning na ito! Grr!...

      Ang kwentong ito ay hindi para sa may makikitid na isipan, dahil ang mga nagbabasa nito ay mga genius! Hehe… nauto ka noh?! Hindi ko ipagpipilitan sa inyo kung ano man ang paniniwala ninyo. Kahit na sumasamba kayo sa bato, ibon, ilog, at VCD, hindi ko kayo pinipigilan. Kung mayroon man akong napapansin na mali sa lipunan at nakaksama ito sa imahe nito, hindi ko ito intensyon, nasusulat ko lamang kung ano ang aking nakikita at nararanasan . Kung purihin mo ang aking gawa, super thank you, kung hindi man, thank you dahil binasa mo ito kahit yung title lang. Nais ko na ibahagi ang aking sarili sa pamamagitan ng kwentong ito. Kung magdulot man ito ng rebulusyon, giyera, at global warming, ay hinihiling ko lang na wag itong magdulot ng anumang kapahamakan sa kapwa. Marami pang mangyayari sa buhay natin at sana kung anuman ang aking maiambag na kaalaman ay makatulong sa inyo sa buhay at hindi dalhin ka sa masama. Hindi ito “How to use illegal drugs, 5th edition” o “Story to destroy your life and how to make it worst”. I repeat, for the last time, KWENTONG KALUKUHAN ‘TO!!!! BWAAAAAA!!!

      Kung mayroon man mga reklamo, comments, suggestions, typographical errors, violent reactions, and placements, donations, intentions, prayer request, at political protest, makipagugnayan lamang sa mga kinauukulan o di kaya ay mage-mail sa jhayedz_2010@yahoo.com o tumutok sa website nito ang
https://www.facebook.com/unconditional.friendship (Totoo po ito!). Malugod naming tinatangap ang anumang uri, maging ito man ay cash, cheque, o COD. All major credit cards are accepted. So Call now!
ANO ANG LIFE?


      Mabuhay! Ito ang Pinoy way of greeting sa isang bisita. Galing ito sa salitang buhay, isang magandang idikasyon na nais ng bumati ang isang magandang buhay na iyong maranasan sa iyong pagdating. Unique siya dahil sa mga world expressions, ang mabuhay lang nagbibigay ng diin sa buhay na kasama pa ang mainit na pagtangap. Isang simpleng salita, pero marami at malalim ang ibig sabihin tulad nga ng salitang buhay. (Trivia: sa lungsod ng Maynila, maari kang ipakulong sa hindi pagsagot sa bumati sa iyo ng mabuhay, isa itong ordinansa sa lungsod na hindi gaanong alam ng karamihan. Bakit di mo subukan sa mga tao na nasa Baywalk at Luneta, sabay suplong sa kinauukulan) Ano ba talaga ang buhay? Ito ba ay anuman na humihinga o gumagalaw? Kumakain at kinakain? Nabibili ba ito sa tindahan? Magkano? Mahirap ba itong magwa? Saan ito nangaling? Puwede ba itong ipagpalit sa mga supermarket at sabihin na “Puwedeng palitan ang buhay ko kasi defective at maraming damage eh, may resibo naman ako.” Yan palagi ang tanong sa ating isip nating mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang pagpapaliwanag sa buhay ay napakakomplikado pero napakapayak kung pagmamasdan. Sa madaling salita, napakalawak ng ibig sabihin sa isang simpleng salita. Pero alam natin na ito ay unique, nag-iisa, at once in a life time chance for the one million pesos. At sa totoo lang, kahit ilang edition ng kwentong ito ang mailimbag, hindi ko buong buo maipapaliwanag ito, kaya crash course muna tayo.
      Ang definition ng life ayon sa science ay hindi lubusang maintindihan o mapaliwanag. Kung titignan punong puno ng life ang ating planeta mula sa dami ng populasyon ng tao hanggang sa trilyon trilyon na dami ng bacteria na isa pa rin living organism. Ikaw, at ako ay buhay rin. Oo, kahit bacteria ay may karapatang mabuhay pero yung nga lang sandali lang mga 50 seconds lang. At dahil unique ang bawat isa may sari-sariling mga kuwento ang bawat isa na nais o di nais na ibahagi.
      Ang buhay nga ng tao ang pinakakomplikado sa lahat ng kilalang buhay na nilalang. Kasi kasama dito ang emosyon, kaalaman, pilosopiya, mga achievements, o mga failures at problema na kaakibat ng survival. Ang mga hayop kasi, mayroon nga silang emosyon at kaunting kaalaman ay di hamak na mas mataas tayo ng maraming level kaysa sa kanila. Kaya ba ng dolphin na magcompute ng differential ng x raised to the 4th power over 2y? O sino kayang Chimpanzee ang makakasulat ng isang kwento na tulad nito liban sa awtor? Kaya magpalad tayong mga tao na maging angat sa kaalaman at narating ang ating kinalalagyan sa mundong ito.
      Balikan nga natin ang buhay ng tao, dahil sa dami ng mga dahilan na umaapekto sa ating buhay ito ay nagkakaroon ng mga kakaibang experinsya, dito tayo nagiging unique. Kahit na kambal, ay may pagkakaiba rin ngunit higit lamang ang mga pagkakaparehas kaya natatakpan ito. Bilang mga sariling katauhan maari nga na tayo ay mayroong sariling mundo. Ang ating tanong na lang ay kung ano ang ating gagawin sa buhay na mayroon tayo. Maraming paraan, tayo lamang ang magpapasya at gumagawa ng ating sariling MTV ng buhay natin. Nakakalungkot nga lamang ang marami pa rin na tao sa mundo ang nagpapakamatay dahil sa mga mabababaw na dahilan na maari naming malutas kung nanaisin. Hindi sapat na dahilan na magpakamatay dahil sa namatay na ang iyong paboritong askal o nagkalimutan mong tayaan ang nanalong numero mo sa lotto. Hindi dapat magpadalos dalos at kaagad kang kukuha ng lubid ng kuryente ng meralco at magbibigti sa poste na parang Halloween. Maaring magandang dahilan sa pagkakamatay ay kung walang nang natira na tao sa mundo dahil sa bionuclear weapon na pumuksa sa lahat. Maaring marinig mo ito sa iyong mga kaibigan kung nagpakmatay ka “Sayang hindi niya napanood ang concert ni MARTIN NIEVERA at GARY V as One, ang ganda pa naman, kasi nagpapakamatay pa kasi siya ng dahil sa nagkavirus lang ang computer niya. Tsk tsk tsk!”
      Well, maganda ang life kahit na ikaw ay mas mahirap sa daga at sa lunga nakatira o maging ikaw man ang anak sa labas ni JACKY CHAN. Masaya pa rin ang buhay sa kabila ng mga problema at pagsubok, tignan lang natin na mayroon kang pangarap. Libre ang pangarap, kung binibili ito, siguro nagpakamatay na lamang ang mga tao dahil puro masama na lagi ang buhay. Mayroon nga akong mga nakilalang nakatira sa tinatawag na Happyland sa may Tondo. Pero hindi mga mansion ang mga bahay doon, karamihan ay mga barung barong na minsan ay nakalutang na sa basura infested na Manila bay. Inisip ko kung mayroong mga tao na magiging “happy” sa lugar na iyon kung ganito ang kanilang mga buhay. Nagbabalat lamang ng bawang ang karaniwang hanapbuhay at mayroon pa ritong mga siga at mga gang na naghahasik ng gulo sa tinaguriang Happyland. Pero nang may nainterbyu ako na isang maybahay doon, sinabi niya na masaya naman siya sa buhay kahit mahirap ang nabubuhay sa tahimik at walang inaalalang pambili ng load, makulit na textmates, rush hours at trapik. At ngumiti siya bago ako umalis at nalaman ko kaagad ang pinakapangarap niyang makamit… isang bagong pustiso.
      Ang buhay ay punong puno ng masasaya at malulungkot na pagkakataon, mas marami, mas masarap ikuwento ang buhay. Marami tayong mapupulot na aral sa buhay mula sa nakaranas na. Hindi batayan ang estado sa buhay kung magiging masaya o malungkot ang buhay. Maari kang maging mayaman ngunit puno ng problema o sobrang hirap pero walang inaalala dahil wala naman siyang perang maaring manakaw, o bahay na iniiyakan kapag nasunog o kaya magwala dahil na flat ang gulong ng kanyang kotse, dahil wala naman siya nun. Nasa tao talaga ang kapalaran niya sa buhay, kung ano man ang kanyang ginawa sa kanyang kasalukuyan ay maaring malaki ang kahinatnan sa hinaharap. Kung sunugin mo nga ang iyong bahay ngayon, masasabi mo na walang pagbabago sa iyo bukas., sige patunayan mo. Walang tao ang magsasabi na buong buhay niya ay hindi siya nanging masaya, kahit paano ay may mga pagkakataon kung saan kahit ang simpleng salita ay magdudulot ng saya sa tao, kahit paano walang dahilan para sabihin mo sa iyong sarili na ubod ka ng saksakan na pinakamaiitim at kalalimlalimang malas at pinakamasalimuot na tao sa buong daigdig. Sabi nga habang may buhay, may pag-asa, at maaring magbago ang takbo ng buhay mo. Kung dati ay nasa bahay kubo ka nakatira maaring dumating na ang panahon na magka-air con na ang bahay kubo mo at umunlad naman ang buhay mo kahit paano. Yan ang kakaiba sa buhay, mas daig pa ang pinakamalaking teleserye, fantaserye, sineserye, reality show at game show, lahat na ito magkasama sa isang all in one na package, ng buhay mo.