Like and Follow:


Friday, February 4, 2011

ANG KWENTONG KALUKUHAN: WHAT IS LIFE?

Ang isang kilo ng bigas ay 42 pesos, ang sine sa mga malls ay 150 pesos, ang palitan ng piso sa dolyar noong mga 1960’s ay 1 peso to a dollar. May mga Hong Kong Disneyland packages na aabot mula $400 hangang $1000, ang kaubuuang halagang kailangan para sa pagaaral ng isang bata mula pre-school hangang sa pagtapos ng kolehiyo na lahat ay nasa pribadong paaralan kasama ang baon, project, special projects, JS prom, at iba ng gastusin ay aabot sa halagang 4.3 million pesos. Ang mga condo yunit ay naglalaro sa 1.3 hangang 10 million pesos. Alam mo bang mayroong mga batang kinikidnap at ibinibenta ng palihim sa halagang 2,000 hanggang 5,000 pesos. Kung nagtataka ka kung bakit ito ang mga sinulat ko, ito kasi ang nagging sentro ng buhay ng maraming tao. Sa tingin nila ang lahat sa mundo ay may kaakibat na halagang pera, kahit ang buhay. Sa commercial ng mastercard, ipinapakita rin ang halaga ng mga produkto pero sa dulo na ang kasiyahan na dulot ng mga ito sa huli, at ito ay walang kinakailangan na halaga. Kung isa kang tao na puro pera na lang nasa isip araw araw, panahon na isipin na ang pera ay hindi ang buhay mo at handa mong ipagpalit ito sa iyong buhay at puri, mayroon dapat higit bigyan ng pansin higit sa pera. Hindi ito ang buhay mo. Que se joda na may recession, world financial crisis, at pagkapanalo ni pacquiao. Kaya life is priceless, no price tag, no discount, no credit, no sale, no ID, no entry.

Ang buhay ay binubuo ng apat na stage:

(1) Childhood (pagkabata) ;
(2) Adolesence (hindi na bata) ;
(3) Adulthood (pagtanda) ; at
(4) Senecence (uugod ugod na).


      Ang apat na iyan ang kailangan na pagdaan ng tao sa kabuuang buhay natin. At dahil in order ang mga ito, hindi pwedeng mag-advance o umulit. Para siyang papel na nasulatan ng bolpen na hindi na puwedeng burahin, isama mo pa ang pagtatae nito at pabango at glitters na kasama ng tinta (available in pink and violet colors with dead rose petal and gulaman grape scents). At dahil maraming uri ng bolpen at kulay nito, naging makulay at kapanapanabik ang mga bahagi nito. Since nabangit na ang mga stage ng buhay ng tao, sige isa isahin natin sila para mapalalim ang usapan natin tungkol sa buhay.


Pagkabata (0-12 years old) – ito ang pinakaunang pagdadanan ng tao kung saan ang tao ay dumating sa mundo na walang kalamalam kung ano ang pumapaligid sa kanya. Dito nagsisimula ang pagmamasid, pagkabaklitong, panggagaya, pag-aaral, at makulit na pagtatanong. Ito ang bahagi na kung saan nakikilala natin ang ating pamilya, kaibigan, mga future na syota, asawa, at ex. Ito daw ang panahon kung saan magandang maginvest sa kalinangan ng tao para maging mas magaling siya sa kanyang pagtanda. Mula sa gumagapang na sanggol, ay natututo na itong mag-lakad, makipag-usap, mag-isip, at manood ng paboritong cartoon sa TV. Ito ang panahon rin kung saan makikita ang kanyang hinaharap dahil kung anu man ang kanyang matutunan ngayon ay gagamitin na niya sa kabuuan ng buhay niya.

Adolesence (13-21 years old) – ang bahagi ng buhay na sinasabi na mapusok, mainit, maarte, mapagmahal, masipag (sa panliligaw at paggawa ng slumbook), pagkadiscobre sa sariling mag-experimento sa kanyang alagang ahas at panahon rin ng maraming pagbabago sa katawan. Mula sa mga batang hindi nahihiyang magwagayway ng kanilang putotoy sa madla ay nagiging maiingat at malihim na mga binata dahil sa takot na malaman na hindi pa sila tuli. At mula sa mga batang babaeng walang pakialam sa kanilang mga hitsura ay nagiging super kikay na kumleto sa lahat ng kemikal at aparato kasama na rin ang kanyang mga susuotin para maging maganda sa harap ng mga tao ang kanyang sarili na kung minsan ay inaabot ng ilang bilyong Segundo para makapaglagay lang ng pampangada sa mukha pa lamang. At kasabay ng pagkakaroon ng Adam’s Apple, paglaki ng katawan, dibdib, balakang, pagtubo ng ibat ibang buhok sa bahagi ng katawan tulad ng kilikili, hita, mukha at puwet, pagpiyok, pagkakaroon ng bisita kada buwan (in short menstruation, pinaganda ko lang kaysa sa lumang buwanang dalaw pero korni rin ang labas), ay ang pagkakaroon ng crush, boyfriends, girlfriends, MU, loveteams, karibal, tukso, pinapantasya, at gender preference na kung tutuusin ay napakahirap pagsabaysabayin, pero sa kabilang banda ay nagpapasaya sa atin ng lubos dahil sa pagkakaroon ng mga kaibigan at mga bagong karanasan. Nagsama dito ang mga gawain ng mga bata at matatanda, na habang tumatagal ay nagiging mas seryoso, at mas handa na mamuhay para sa sarili.

Adulthood (20 ++-60 years) – ito na ang ganap na buhay kung saan mayroon nang pamilya, kotse, bahay at lupa, anak at kung minsan ay walang wala . Maaring umabot sa antas na ito ang mas maaga depende sa tao. Mas matalino ay mas mature. Dito na rin nila inaabot ang kanilang malalaking pangarap na kanilang pinlano ng halos buong buhay nila. Dito maari pa rin ang maging bata o tinedyer pero napakakaunting panahon na lamang kundi sa pavillon ang kanilang bagsak. Dito mauuso ang mga kabit system, hiwalayan blues, mid life crisis, election frauds, corruption, prostitutions, pagkahilig sa balita, at sugal. Ang mga gastos rin kailangan at mahalagang uri ng ng mga pinagkukunan ay malinaw upang matugunan ng pangangailangan ng pamilya lalo na ang mga anak.

Senecense (uugod-ugod na) – sila ang nabibilang na bahagi ng populasyon dahill iilan lamang ang mga nakakaabot sa ganitong mga tanda. Dito makikilala na ang mga mayroong alziemers decease, Pagkakaroon ng adult diapers, pagiging malimutin, pagbabawal sa mga bagay tulad ng pork hipon at iba pang pagkain na dulot ay memory gap. Sila ay nagkakaroon na ng iba’t ibang uri ng sakit at makikita sa kanilang katawan na hindi na sila nagsa-southbeach diet. Kung may karatehan pa naman medyo maliit na lamang ito. Sila ay nag kakaroon ng second childhood at kung anu-anong iniisip, sila na nga yun.

      Pagnakatapos ka na sa isa wala ka nang magagawa para palitan ang nakaraan. Kaya mahalaga ang bawat sandali ng buhay mo, huwag itong sayangin sa pahiga higa at naghihintay na mahulog ang nakasampay na panty ng kapitbahay sa iyong bibig. Kailangan na makagawa ng paraan para masabi mo sa iba at sa iyong sarili na mayroon kang makabuluhang nagawa sa buhay mo. Mas mainam kung bata pa lamang ay may magandang mga bagay na ginagawa.

      Dumarami na ang nagpapakamatay sa panahon ngayon. Parang karaniwan na lang iyon sa ating lipunan. At marami pa itong nakikitil na buhay kaysa sa isang digmaan. At habang patagal ng patagal, nagiging mas maarte ang mga nagpapakamatay, may pa-suicide note na may pabango at picture pa sila na kasama. Nakapamporma pa ang suot nila sa pagpapatiwakal nila. Ang iba ayaw, nasaktan, hinihiwa na lang ang pulso. Ang iba dinadaan sa paglunod sa gamot. Parang Darna ang drama, lulunok sila ng gamot at sisisgaw ng “TEPOK!!!” ay bubula sa bibig at yun patay na, in an instant! Marami pa nga madrama pa ang pagpapakamatay, gusto may audience, kaya umaakyat sa malalaking billboard sa EDSA at dun mage-emote sa kasawian niya sa buhay. Mabuti kung walang MMDA na magtatangkang irescue ka at alukin ng pagkain at isang libong piso para lang bumaba. Payo lang huwag gawin ito para kumita dahil, play money lang ang inaabot. Marami pang mga paraan para sa pagtitiwakal ang ginagawa natin, pero malaking sayang na pala ito para sa iyo dahil bata ka pa at marami pang mga bagay na maaring magawa at marating sa buhay. Example na dito si Vanesa (tawagin na lamang natin siya sa pangngalang Vhan upang mapangalagaan natin ang kanyang lihim, walang clue! Lihim nga eh), marami nang beses na siyang magpakamatay dahil sa bumabagsak na career at sirang pag-ibig pero hindi nagiging tagumpay ang pagpapakamatay, tinuloy na lamang ang buhay at natutunan niyang bumawi sa kanyang ginawang kalokohan pero nang mahimasmasan sa kalokohang ginagawa, ginawang makabuluhan ang buhay at naging mas matagumpay na siya at mayroon ngayong masayang love life. Natural lang sa tao ang problema, pero hindi ito ang magandang dahilan para isuko ang buhay. Mas mainam pa na mamatay dahil natuklap ang iyong kalyo at naubusan ng dugo, o mapatay sa digmaan ng iyong mga kapitbahay dahil yun ay mga pangyayaring natural at di-naplanong pagkapatay.

      Kung ikaw naman ang tatanungin, ano ang buhay sa iyo? Marami ang maaring sagot, may scientific, may philiosphical, may biology-related, payo ng mga lasing, mula sa pantas at dalubhasa, o nakuha lamang sa mga quotations ng ibang tao, friendster shoutout o sadyang gawa gawa lamang para masagutan ang makulit na tanong na ito. Mahalaga na mayroon tayong malinaw na pananaw ukol sa buhay para maging gabay natin sa kabuuan ng buhay.Narito ang ilan sa kanila.

WHAT IS LIFE?

Life is like a box of chocolates you’ll never know what you will get.
Life is not a bed of roses, for tonight I’ll sleep on abed of nails.
Life is not that bad my frined hmm… If you no one who walks through life with with you, you’ll never been alone just learn to reach out ang open you’re heart hmm… (Lift up your hands)
Life is short, live it to the fullest!
Life is when my blood still circulates, my mind controls my body and when I don’t lay dead.
Ang buhay ay mahalaga, kaya uminom lagi ng Virgin coconut oil everyday for a healthy body everyday! Only 12 pesos per capsule!
Life is like a rosary, it is full of mystery (hindi ba love to?!)
Live to Eat
Eat to Live
Life is like a wheel, sometimes you’re up sometimes you’re down
Life is a game you have to play it until the very end
Life’s a boat in the big sea of the world
Life is only skin deep (?!)
Life is full of nothing more nothing less.
Life is like a coin, it has two sides and in the middle.
Life is a journey
Life is a gift, take care for it and share it to others.
Life ia non limiting, ever changing, and growing.
Life leads to world peace!
Ang buhay ay parang dagat, malawak ito at puno ng mga alon, dapat marumong tayong lumangoy.
Loving is Living



      At marami pa ang mga kasabihan ukol sa buhay. Ang bilyong bilyong buhay sa mundong ito ay may sariling kwento, sari-sariling karanasan sa mundo. Ang pinakamalaking pribelehiyo na ating nakuha bilang mga nilalang, maputulan ka man ng paa, kamay, daliri at , mas mainam pa rin na buhay ka dahil ang mga ito ay maaring pwedeng palitan ng mga artifical na bagay upang mapalitan ang nawalang bahagi. Pero kapag ang buhay ang nawala, wala na, walang artifical life na maaring pamalit dito. Hindi ito tulad ng isang video game na kailangan na mag-insert ng coin para i-continue. Kaya ang bawat sandali ay mahalaga.

      Ang buhay ay hindi pwedeng idikta kahit ng sinumang tao. Kahit ikaw ang pinakamakapangyarihang tao, nasa tao pa rin ang kanyang buhay. Kahit sa gitna ng kaguluhan, giyera at pang-aabuso, ang tao rin ang kanyang buhay. Kung ikaw ay pinahahalik sa paa ng iyong kalaban at pinagbantaan kung hindi mo ito gagawin, nasa iyo ang desisyon kung hahalikan mo ba ito para mabuhay o pumalag o di kaya ay magkunwaring inatake ka sa puso para maiwasan ito.

      Ang buhay nga naman ng tao ay hindi maididikta o maaring itakda kung walang pangigipit mula sa kanyang mga kasamahan. Sige nga quiz tayo; Kung itinakda ka na ikasal sa isang taong di mo mahal marami kang

OPTIONS:


(a) Magpapakasal ka at mabubuhay na payak at magsugal maghapon magdamag;
(b) Makipagtanan sa tunay mong mahal at gayahin ang napanood na telenobela;
(c) Magpataba ng todo todo upang ma turn off ang ipakakasal at kanselahin ang kasal at magpapayat muli;
(d) Maging artista at idemanda ang producer dahil pangit ang kalove team; at
(e) all of the above. Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, ano ang iyong gagawin?

      Kung malabo pa ang buhay sa iyo, sa tingin ko ay kailangan mo pa ng ibang tao para makinig sa buhay mo. Hindi ko kayang marinig ang hinaing mo sa iyong masungit na titser o mapang-api na madrasta at ang kanyang aso, mas mainam ang isang tao kayang makinig sa iyo at sa iyong hinaing sa buhay. Huwag kang maingit sa buhay ng iba, lalamunin ka lamang nito para galitin ang sariling buhay. Oo mapalad sila pero lamang lang sila ng ilang paligo sa iyo. Dahil kahit si Bentong ay may karapatanan na maging Philippine Idol. Mabuhay!