Kung bibigyan ka ng isang bilyong piso pero mawawala ang pamilya mo at hindi ka magkakaroon ng kaibigan, kakilala, at asawa sa buong buhay mo, papayag ka ba? Ehhh kung mapupunta sayo ang lahat ng kayamanan sa mundo pero mawawala lahat ang tao dito at ikaw lang ang matitira, payag ka rin ba?
Ako, dati oo. Nung bata ako pinangarap kong tumira sa isang mall. Akin lahat ang ice cream at chocolates. Madalas akong maglaro mag-isa dati, kaya alam kong hindi ako malulungkot kahit na mawala lahat ng tao sa mundo. Kung mawawala lahat ng tao sa mundo, walang magnanakaw, walang mag-aaway-away, walang giyera at facebook at twitter. Masaya yon. Para ka na ring nasa Garden of Eden pag tumira ka sa mall, aircon pa!
Pero naiba yung pananaw ko sa pagtatapos ko ng Grade 6. Dahil Marso at amoy bakasyon na noon, medyo dumalas ang absences ko sa klase. Ayos, sarap. Kaso isang araw, pumunta kami ng mommy ko sa ospital. At nagpacheck-up si mommy kasama ako. Sabay sabi ko kay mommy. "Ako rin mommy?" Noong, natapos na ang mga check-ups, at sabi ng doktor sa mommy ko. Balikan na raw ung results sa makalawa. Makalipas ang mga araw, dumaan yong classmate ko sa bahay namin. Sabay sabi, may sulat yong galing sa doktor. Alam kong bad news yon.
Sumabay ang mommy ko sa pagbasa ng sulat, nasa mukha nya ang "Lungkot sa mga mukha nya" parang, kailangan naming pumunta ulit sa ospital at ulitin ang mga test na ginawa sa akin. Kinabukasan. Importante raw.
Pumunta naman kami, ako naka-rubber shoes na multicolor, medyas na multicolor, blue shorts na kupas, white shirt, at naka-school ID pa. Sympre, complete uniform. Andami kong kasabay, sa pagpasok palang. Marami ng mga batang nakapila. Hindi ako sigurado pero nasa Heart doktor kami. Naunang pumasok si mommy, ilang oras din sya sa loob. Tinatamad na akong kakahintay sa kanya. Ikaw nga, paghintayin ka sa labas di ka ba maboboring. Pagkalabas ng mommy ko galing sa loob. Sabay yakap! Gulat ako, hindi ko alam kung bakit nya ako ni yakap, biglaan. Pumunta kami sa school ko, tapos noon, nagpaalam si mommy sa principal ng school. at umuwi na kami.
Pagdating ng bahay, umupo kami, tinititigan ko ang mommy ko sabay tanong. "Bakit po mommy?" "Bakit po kayong malungkot?" hindi siya sumagot sa mga tanong ko. Gabing iyon, pumasok siya sa kwarto ko, habang nakahiga ako sa kama. Pinaliwanag nya ang lahat sa akin at hindi ko makapaniwala. Umiyak kaming dalawa at tinanong sa sarili bakit ako pa. "Bakit anak ko pa? Ang nag-iisa kong anak." Labas sa bibig ng mommy ko.
Kaya't pa hanggang ngayon, ang secreto ko ay secreto rin ng mommy ko, pahanggang ngayon.
ituloy bukas...