Like and Follow:


Saturday, December 17, 2011

Ang Buhay Ni Jhet


Simula.

First year high school, unang araw ng klase. Eto ang masarap sa pag-aaral, yung umpisa! Lahat ng gamit, bago, liban na nga lang kung nag-iisang bunso kang katulad ko, dahil yung ibang gamit e pamana na lang ng mga pinsan at mga kinakapatid. Ang sarap yata gumamit ng bagong notbook, pad paper, ballpen, lapis, pantasa, pambura, pencil case, paste, gunting, ruler, crayola, art papers, kokomban, envelope, cartolina, lunchbox, water jug, kapote, at bag.... lalo na pag amoy pabrika pa!

Hindi mawawala ang pasiklaban sa mga magkakaklase. Noramal lang dito ang magkainggitan, lalo na pag ang ibang estudyant e may Naruto na pencil case, samantalang ang iba e plastic lang ng yelo ang lalagyan. May mga estudyante rin na mabango at amoy candy ang eraser, samantalang ang iba  binuhol na goma lang ang gamit. Meron ding kumpleto sa tupperware na baunan, at meron din namang pandesal lang ang baon. May mga gumagamit ng imported backpacks, at meron ding gumagamit ng mga fish nets. Halu-halo, makikita mo sa isang private school ang iba't-ibang klase ng estudyante at iba't-ibang katayuan sa buhay.


Masarap ang maging First Year High School. Maraming bagong matutunan. Dito ako natutong mag-aral ng mabuti, gumawa ng isang buong paragraph na sulat ng isang buong paragraph, at mag-drawing nang matino. Dati kasi kahit anong hayop ang i-drawing ko, nagmumukhang ipis. Natutu rin akong tumula, kumanta, at mag-algebra kahit nakapikit ang mga mata. Ang sarap, lalong lalo na pag sa oras ng recess at uwian. Akala ko nga, habang buhay na ako sa first year.

Bilib yung isang teacher sa akin dati, fast learner daw ako. Kahit pangalan ng kabet nya alam ko. Kahit cp number ng naging ex-boyfriend nya alam ko. Kaso nabuko nyang nalaman nyang mag-pinsan pala kami ang mga naging ka-relasyon niya. May isang salita rin akong hindi makakalimutan, noong nagbasa ako sa harap ng klase ang salitang "bahay" sa libro. "Kubo" pala ang nakasulat. Nanghuhula lang kasi ako base sa pictures.

Pero hindi biro ang pagbabasa, rite of passage ito pag natuto ka. Ibig sabihin nabinyagan ka bilang "literate". Kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies kagaya nila Tom Hunks, at ng mga vandalism na lagi nating nakikita sa mga upuan sa ating mga kaklasmates, pati narin sa bus at dyep meron na din pati cp number ng magsyota. Ang lagi kung napapansin sa mga vandalism ay ang salitang ang magbasa nito "Bobo ang magbabasa nito!"

ituloy bukas...