PCHY MOORE: What is the role of your family in joining the MS. PALAKANG HUBAD 2011?
VHAN: My Pamily... Uhm... My Family!
VHAN: My Pamily... Uhm... My Family!
Ang Pamilya ay tinuturing na pinakamahalagang yunit ng lipunan. Kung wala ang pamilya, walang mag-asawa. Kung walang mag-asawa, walang anak. Kung walang anak, walang susunod na lahi ng tao, kapag walang susunod sa lahi ng tao, mawawalan na ng ingay sa mundo. Ganito kahalaga ang pamiya sa buong mundo. Ang pamilya ang unang lipunang kinamulatan ng tao. At mula dito ay natuto siya ang maraming bagay. Maaring nakuha niya ang mukha ng kanyang magulang ngunit kung ito ay pinalaki ng mga oso sa kagubatan lalaki itong maging oso upang mabuhay.
Ang pamilya ay nakatulong sa paghubog sa mga kailangan oras ng pag-aaruga at pagmamahal ng isang sanggol. Mapapalad ang mga batang may buong pamilya dahil nagiging bihira nalamang ito sa ating panahon. Ang pagpapalaki ng bata ay isang malaking responsibilidad ng mga magulang. Sila rin ang gumagabay sa kanilang mga anak tungo sa landas na nais nila sa kanilang mga anak. Kung ang nanay ay drug addict, maaring ipasa ito sa anak. At maari na silang makabuo ng isang pot session. Ang pamilya na paladasal, ay maipapasa rin ng mga anak sa kanilang mga magiging anak. Para itong gulong na nagpapatuloy ngunit kung ito ay naputol, parang na-flat rin ang gulong at kailangan na itong ivulcanize ng bagong paraan. Iba talaga na magkaroon ng isang pamilya na kakalinga at susuporta sa iyo. Masarap na marinig kung ikaw ay sumali sa alin mang kontest na alam mo na susuporta sa iyo ang iyong buong ka-anak at dinala pa ang buong angkan at pinuno at sila’y nariyan upang magbigay ng inspirasyon sa iyo.
Mga Sangkap Ng Isang Pamilya
Nanay – nessesity! Kung professional, mas maganda kung nagtratrabaho nilang tulong sa asawa. Kung hindi naman nakatapos, bigyan ng showbiz career. Kung walang napag-aralan, turuan ng wastong paggamit ng LRT/MRT ticket sa pagpasok nito sa slot.
Tatay – necessity! Kung professional, kailangan na maging good provider dahil malaki ang sweldo. Kung hindi man, isuplong sa pulis at ipasunog sa plaza ng bayan. Kung hindi nakatapos ng pag-aaral, bigyan ng 4 year scholarship sa paboritong unibersidad. At kung walang napag-aralan, turuuan kung paano pumirma gamit ang thumbmark.
Anak – necessity! Hindi pamilya ang mag-asawa na walang inaalagaang anak (kahit ampon) o alagang hayop (pasok sa categoryang ito ang aso, pusa, daga, butiki, ipis, langgam, at baboy). Hindi pwede ang mga bulaklak, gulay o prutas na inaalagaan sa garden dahil kakainin rin naman sila matapos anihin, lalo na sa mga orchids.
Bahay – optional, pero syempre saan kayo matutlog mag-anak araw-araw na walang bahay na matutuluyan. Considered na dito ang mga kariton na tulak tulak, at mga bangkang bahay sa dagat.
Pangngalan – necessity! Kailangan ang pangngalan para malaman ang iyong katauan sa lipunan. Kahit na squatter ka, gagalangin ka kung ang pangngalan mo ay Ayala, Zobel, Araneta, at Gates. Mag-ingat naman kung ang pangngalan ng mag-anak ay Hussein, Hitler, o Bin Laden, asahan ang mga protesta at mga death treaths sa iyong bahay araw-araw.
Family Theme Song – highly needed, lalo na sa mga Pilipinong mahilig sa karaoke, DVD at MP3-4-5. Kung ang mga magkasintahan ay may love song nila, dapat mayroon din ang buong pamilya. Mainam na gamitin ang kantang May Bukas Pa, iba talaga ang wika sa di nagkakaintindihang pamilya. At ang iba naman ay pwede na ang mga kanta ng EmenM, Slipknot, at kahit kantang patay ok na din.
Family Territory – optional, kung may malawak na hacienda tulad ng mga Cojuanco at Ayala, sobresaliente! Kung mga isang hektarya, lagyan ito ng pader na mataasa at lagyan ng “bawal umehi dito” at “post no bill”. Kung mas mababa, patayuan ng mall. At kung walang sariling lupain, magtanim na lamang sa paso na may maliit na bahay, o di kaya ay bumili ng bote na may laman na bahay sa loob at pag-aralan kung paano nila ito naipasok sa maliit na butas ng bote.
Family Emblem/Heraldry – optional, hindi ito uso sa panahon ngayon (Ang mga mayayaman na Erupeo ang gumagamit nito noon upang ipakilala ang buong angkan), pero parang pandagdag na lamang ito sa inyong kakilanlan bilang pamilya. Hindi naman kailangan na ito ay bandila o sagisag, maging mga bagay ay maaring maging emblem. Kung kayo ay mga magsasaka, maaring emblem ang tanim o ani. Kung panadero naman, maaring tinapay o oven. Kung mga drug addict, pushers at fixers naman, mainam ang tooter, marijuana, extacy bilang family emblem. happy emblem making!

Ang isang pamilya ay isa rin sa pinakamahirap na pamunuan at palakarin (wala kasing paa kaya ganon) ng maayos dahil halos lahat ng ahenya ng gobyerno ay nandito sa katauhan ng mga magulang. Ang Budget, Audit, DepEd, DILG, NBI at ang mababang kongresso ay nasa nanay mo at ang AFP, Meralco, MWSS, PLDT, SmartBro at Senado ay nasa iyong ama nakaatas. Kaya nga tinuring itong mahalagang bahagi ng lipuanan ay dahil sa ginagampanan nitong tungkulin sa atin na paghuhubog upang ihanda sa mundo na puno ng higit na malulupit at mahihirap na patakaran at mga pagsubok. Kaya maari mong masabi na kabilang ka sa gobyerno ng iyong pamilya. Ewan ko na lang kung paano ang hatian ng kapangyarihan at sistema ng inyong gobyerno. Minsan hindi rin na maayos ang mga pamamalakad, at minsan inaabuso ang sarili at ang kapamilya. Pero ito ang nagbibigay ng magandang paglalarawan ng pamilya, “iisa pero magkakaiba”.
Ang pamumuno ng pamilya ay depende sa mag-asawa. Minsan, pantay ang pamumuno, paran partnership ng isang negosyo, kung kumita ang isa kapwa sila makikinabang at haharap sa mga responsibilidad. Minsan naman ay may mas malaking pamumuno sa pamilya, kung hindi ang Ama, ay ang Ina. Undefined naman ang masasasbi sa mga pamilya na may OFW na magulang, o di kaya ay hiwalay may sustento man o wala pero may pagkakataon para mag-kita. At kung byudo, byuda, o talagang mag-isa na palaki ang anak ay automatic, lahat ng sakit ng ulo ay pasan na niya, at survivor ang matatawag sa mga nakakatagal dito.
Maaring maging mahigpit ang ating mga magulang dahil nakikita nila na ito ay may mabuting epekto ng pagiging mahigpit tungo sa mas magandang kinabukasan ng mga anak. Pero syempre kung inaabuso na ito ng mga magulang at nagdudulot ito ng pisikal o emosyonal na damage na sa mga anak ay hindi na ito pagdidisiplina, kundi pangaabuso. Maraming bata sa mundo ay nakakaranas ng pangaabuso mula sa sariling mga magulang. Kahit na ang sanggol ay nakakaranas rin ng mga abuso mula sa mga magulang at minsan sa mga yaya. Alam niyo ba ang Shaken Baby Syndrome o SBS? Yung niyuyugyog ang bata na parang manika na gusto mong patayin kasi gumagawa ito ng nakakatuwang tunog na parang elesi, at ang walang muwang na bata ay nakalog na pala ang utak at napapatawa na lang sa kakaibang high na naranasan niya sa kamay ng kanyang magulang o yaya. Marami ang ganito sa atin kasi likas na mahilig tayo sa bata, kaya mahigit kumulang na 86 million na tao sa munting mga isla ng Pilipinas ayon sa 2005 statistics. At dahil sa dami ang mga bata, mataas rin ang rate ng mga batang nakakaranas ng SBS. Kaya no wonder marami sa ating mga mamayanan sa bansa ay parang mga praning at bagtit. Minsan malalaman mo kung sino ang mga ganito sa sinusulat nila sa kanilang mga slumbook, pagdescribe yourself na ang tanong isa sa nilalagay nila ay "kalog".
Mayroon pang maraming uri ng pagaabuso sa mga bata tulad ng child labor, child prostitution, child molestation, physical and verbal abuse, malnutrition, sa text gamit ang mms, sa internet, pagkait na makapag-aral sa exclusive schools at humingi ng mataas na baon. Ang mga ito ay nararanasan ng maraming kabataan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa lahat ng panig ng mundo, lalung lalo na sa Aprika. Kung tutuusin, mas mapalad pa ang batang pinoy dahil kahit paano ay kahit isang beses sa buhay niya ay naranasan niya na mamasyal sa mall o makakita ng makabagong teknolihya. Di tulad sa kanila kahit flashlight ay tinuturing na nilang bagong teknolohiya at minsan nilalagay sa altar nila at sinasamba. Pero kahit anu pa man, ang pangaabuso ay dapat hindi ipawalang bahala. Kung nais natin ng magandang kinabukasan ay dapat simulan natin ito sa ating mga anak. Ipamana ang mabuting asal na magiging pundasyon ng magandang kinabukasan nila, kaya papasok dito ang salitang bonding. Kung tayo sa ating mga kaibigan ay hindi tayo na sawa sa pakikipagbonding kahit wala lang kayong gagawin at tumungaga lang buong hapon ay tinuturing na rin yang bonding dahil sa presensya ng bawat isa. Mahalaga rin sa pamilya ang magiging dahilan ng katatagan ng pamilya sa pagharap sa pagsubok at maraming problema sa buhay. Ayon nga sa mga eksperto, ang magandang relasyon ng pamilya ay nakakaiwas sa mga masaklap na paghihiwalay at pag-aaway na naging dahilan ng pagdami ng mga batang nawawala sa tamang landas.
Kung may sapat na panahon ay magkaroon ng mga family outing sa iba’t ibang lugar upang malibang ang buong pamilya. Kung wala naming pera na magouting ay puwede naman lamang sa bahay na maglaro ng board games tulad ng monopoly, chess at iba pa. malilibang na kayo, malalaman mo pa kung sino ang magulang at mandaraya sa laro.Kung walang hilig sa mga board games at walang panahon, ay kahit sa paglilinis ng bahay ay isang bonding na. Ang pagluluto ang karaniwang bonding ng mga mag-inang babae habang ang pagkukumpini naman ng mga sirang gamit ang ginagawa ng mag-amang lalaki, minsan ang pagmamanicure at pedicure naman sa mga magulang na mag ikatlong kasarian. Makikita naman ang magandang resulta sa pagbabonding. Minsan nauuwi ito sa lambingan ng mag-asawa, pagkukulitan ng mga magkakapatid at paghahagisan ng gamit sa bahay ng buong pamilya at kanila itong susunugin.
Paano naman ang mga single parents at mga byudo at byuda na pamilya? Isa rin ito sa mga masasaklap na katotohanan ng ating mundo na mayroon talagang mga taong ipinaganak na walang magulang o magkahiwalay, hindi natin ito maikakaikala. At ang mga ulila sa parehong magulang ay walang matagpuan na kalinga ng isang magulang, paano sila makakatagpo ng isang pamilya? Ang pamilya naman ay hindi nagrerequire na maging kompleto palagi may exceptions rin tulad nila na maaring namayapa na ang magulang. Maari naman silang makatagpo ng isang pamilya sa pamamagitan ng mag-aapon sa kanila. Sa mga ampunan, kung saan nakalagak yung mga bata na walang magulang o sadyang iniwan sa anumang dahilan ay nakakahanap ng pamilya sa piling ng mga kasamahan sa loob ng ampunan. Parang big brother, hindi kayo magka-ano-ano na pumapasok sa bahay ampunan, minsan walang TV, radio, dyaro, celphone at internet. At mayroon din task tulad ng paglilinis ng buong hektarya ng ampunan, pakainin ang mga pusa ng admisitrator, at mag-aral at magradweyt sa loob ng bahay, di ba exciting? At sa pagtagal ng panahon ay nagkakapalagayan ng loob at nagiging magkaibigan. At exciting pa pag eviction day na, kung saan kukunin na ang iyong kakosa dahil may aampon na sa kanya, magiiyakan na ang lahat dahil na mimis na nila ang kanilang samahan sa loob ng bahay ampunan. Hindi kaya ampon si big brother kaya siya nagpacontest ng ganun? Nakita na nila kasi ang hinahanap na pamilya nila sa isa’t isa, sa kabila ng kanilang pinangalingan at maging sinuman ang kanilang magulang, nakita nila ang saya ng pamilya sa piling ng kapwa.
Eh ang mga street children? Sila rin ay nakakahanap ng pamilya sa kapwa streetchildren nila. At dahil kapwa sila walang pamilyang kumakalinga, nauunawaan nila ang isa’t isa, at nabubuo ang kanilang matatag na samahan. Kung pagmamasdan mo sila masaya naman sila at makikita naman sa kanila ang saya ng pagiging bata, makikita mo sila na naglalaro sa mga park at nagsiswiming sa basura infested na Manila bay. Dahil sa walang magulang na gagabay sa kanila maari silang matuto na gumawa ng mga di magandang gawain at maari nila ito kalakihan at gawin sa kanilang buong buhay. Kaya naman mayroong mga foundation na tumutulong sa kanila, pero patuloy na dumarami ang mga bilang nila dahil sa kahirapan, giyera, at illegal recruiters sa mga probinsya.
Oo nga pala, nakalimutan ko pala ang mga byudo at byuda, isang suggestion ay mag-asawa sila sa kapwa wala nang asawa para mag-volt in at makbuo muli ng pamilya. Problema lamang ang pagtangap ng pamilya sa kanila. Hindi porket mahal mo siya ay mahal na ng mga anak niya. Marami ganyan ang kaso, kaya nauso ang salitang stepmother o stepfather na nagsasabi na nakiki “STEP” - in sila sa kanilang buhay maging sila man ay katangap-tangap o hindi. Ang isa pang paaran ay ang pagsisikap ng mga natirang miyembro ng pamilya na buo ito sa kakulangan ng isa pa. At kung gusto mo ng isang pamilya na hindi kailangan na mag-asawa muli, pwede ka naman na gumawa ng kuna-kunwariang magulang, yung parang sa movie ni juday na nabuo ang isang magulang mula sa isang litrato ng isang estranghero (galing nga eh, naging social worker daw siya sa mga bansa na puno ng gyera at “nagpapadala” siya ng mga “pictures” niya sa kanyang mga nagawa). Pero madali itong mabuko, lalo na kung iisa lang ang pictures na magagamit mo at wala kang Adobe photoshop para mabuo ang “asawa” at “magulang” na nais mong mabuo.
Sabi nila ang Pilipino daw ay may matatag na relasyon sa pamilya, kaya kahit na mag-asawa na ang isa sa mga anak ay patuloy pa itong tumira sa mga magulang nito o di kaya ay kasama ang magulang sa bagong bahay ng anak. Maganda naman ang value nito para sa atin lalo na sa relasyon ng mga in laws at ang mga anak. Pero minsan ay may conflict ang makikita sa pagitan nila paminsan minsan lalo na kung may isyu tungkol sa mga problema tulad ng mga paniniwala at paninindigan. Ang mga amerikano naman ay natatapos na ang pakikisama sa pamilya sa pagtungtong sa gulang na 18, dahil ito na ang edad ng pag-sasarili at hindi na kailangan na tulong ng pamilya upang maging independente. Kapwa maganda ang mga dulot ng uri ng pamilya ng bawat isa pero dapat laging tandaan na anuman ang style ng pamilya mo kung mabuti ang dulot nito, matagumpay ang pamilya na nabuo. Kung hindi man, hanapan sana ng remedyo bago't mahuli ang lahat.Kung tatangin mo kung saan ako galing na pamilya, komplikado, kasi parang pinaghalo ng lahat ng mga nasabi ko dito sa kabanatang ito. Masaya at magulo minsan pero nakakraos naman. Nawala man ang isa sa amin, patuloy pa rin ang buhay. Pero hindi ko pa nasubukan na gumawa ng kunwaring magulang, buti na lang may Adobe photoshop ang kompyuter ko. Hehe…
Paano Makabuo ng Masayang Pamilya?
Magkaroon ng bonding time – mahalaga sa isang pamilya ang pagkakaroon ng oras para magkasama. Gawin ang mga gawian bahay ng sama sama, tulad ng paglilinis, pagluluto, palalaba,, paglalaro ng data, at sabay sabay sa pot session. Akala mo na ito ay pangpatay oras lamang, pero mabisa rin ito para tumulong sa pagtatag ng pamilya.
Maging bukas ang komunikasyon – hindi naman na kailangan ng load para dito. Kahit ang simpleng batian ng mag-anak, kaibigan, kapuso, at kapamilya ang siyang pumapawi sa mga pagod na katawan ng taong nagtratrabaho. Ang mga simpleng mga pagkakataong ito ang siyang nagpapasaya ng pamilya sa gitna ng mga problema sa buhay. Kung may load ka naman, try mo na rin kaya na makipag 3G sa iyong kausap na kaanak. Suggest ko rin na gawan ng Friendster at facebook account ang bawat miyembro ng pamilya at gawan sila ng testimonial araw araw.
Maging honest sa pamilya – sa panahon ng problema at mga kasawian, ang iyong mga kapamilya ay nariyan upang ikaw ay damayan. Ang mga problema tulad ng pag-aasawa sa edad na 12, paglalahad ng iyong kasarian, pagbagsak sa subject, pagkakaroon ng syota, pagkahumaling sa online games, pagkakaroon ng AIDS, pagsali sa Olympics, at pagkapanalo sa lotto ay dapat ipalam sa mag-anak muna bago sa mga kaibigan. Mas maiinitindihan ka nila kapag ito ang ginawa mo, lalo na kung nanalo ka sa lotto, aalagaan ka nila ng mabuti. Maganda na maging open kayo ukol sa mga problema ng pamilya upang sama sama niyo itong lutasin.
Patatagin ang kalusugan ng pamilya – upang mapangalagaan ang kinabuksan, ay dapat isaalang alaang natin ang kalusugan. Kapag ang isa sa atin ay nagkaroon ng sakit, di malayo na damay ang buong pamilya, lalo na sa mga sakit na nakakahawa at nakamamatay tulad ng sipon, N1H1, AIDS, jejemon text Korapsyon at kahit anong pwedeng makahawa sayo. Malaki rin ang dagok sa pamilya na kahit isa ay maospital dahil sa mahal ng mga bilihin at gamot. Mainam na mayroon bitamina ang buong mag-anak na iniinom para lumakas, o di kaya ay mag-ehersisyo ang buong pamilya kapag may libreng oras, mas maganda kung isasabay ito sa mga rally para may libreng paligo pagkatapos.
Turuan ang bawat isa na pahalagahan ang pera – mahalaga na malaman ng bawat isang miyemro ang katayuan sa buhay. Kung ang mga magulang ay mahilig magbigay ng mamahaling bagay sa mga anak tulad ng celphone, MP3-MP6 player, Ipod o kaya, DVD Player. Hindi dapat ay magkunwari sa mga kapamilya na maliit lamang ang kinikita ng mga magulang dahil dito magmumula ang mga away sa pera.

Ikaw, komplikado ba ang pamilya ninyo o parang sa tingin mo ay wala lang. Magpasalamat ka, maraming bata ngayon ang lumalaki ng walang mabuti o walang hiyang pamilyang matatawag. Pero sana anuman ang uri ng pamilya na mayroon tayo ay maging masaya tayo dito. Kung si Mumay nga masaya na ama niya si Momoy. At si Angelo, proud siya ka kanyang kaibigan na si John na kamakailan ay lumabas ang kanyang tunay na katauhan, na siya si Jopet kuno. Ganyan ang pamilya, sino ka man, ano ka man, mahal ka nila. walang pagaalinlangan...Pamilya...parin tayo....