Balik tayo sa beauty contest, matapos ang nakakanose bleed na trahedya... Q & A portion na pala
MARK HENDIL SOTOR: Hello, PRINCE ATIMU tanong ko lang ano ang paborito mong pagkain?
PRINCE: Pina-upong tinuhog na palakasa miso
Kailangan pa ba itong tanungin? Sino bang tao ang magsasabi na hindi siya kumain kahit isang subo? Mahalaga ang pagkain kahit sa sinumang nilalang. Parang ayaw ko nang sabihin ang tungkol sa bahagi nito pero para sa mga talagang malaman ito ng mga naguguluhan at hindi makakain, para sa mga anorexic, bohemic, overweight, underweight, malnourished, at physically fit. Bilang malaking bahagi ng ating buhay, mahalagang malaman natin na marami pang kailangan na intindihin tungkol sa anumang pinapasok natin sa atin mga bituka. Hindi ito diet book kahit health book, kwentong kalukuhan to noh?
Matutulungan ka lang ng kabanatang ito tungkol sa pagkain. Ating lalasapin ang mga kakaibang mga kaalaman tungkol sa pagkain at kung ano ang maari itong magawa nito sa iyong buhay. Siguro magiiba na ang tingin mo sa pagkain pagkatapos mo itong basahin. Hindi lang ito isinusuksok sa iyong bibig at ididigest na ito para sa iyo. Sige let’s eat!
Umpisahan natin muna sa atin mga kinain noong bata pa tayo, o kaya nung mga baby pa tayo. Ano ba ng ipinakain o ipinainom sa inyo? Marami hindi ba? Pero ang pinaka-common na siguro ay ang gatas. Ito kasi ang ating unang pinagkuhaan ng nutrisyon matapos na tayo ay inire ng ating ina. Ito rin ang pre-requisite ng lahat ng pagkain na ating kakainin sa ating buhay. Ngayon tunghayan natin ang tungkol sa gatas baw!
Ang gatas na ating ininom noong tayo pa ay sanggol pa lamang ay napakahalaga dahil nga pre-requisite ito, ang performance ng gatas mo ang magdedetermine ng magandang kalusugan at kinabukasan ng anak. Kung breastfed ka ng inyong ina, mapalad ka. Sinasabi na mas effective na nutrisyon ang gatas ng ina sa mga bagong silang na sanggol. Ang mga batang nagpapasuso sa kanilang ina ay nagiging mas matalino kaysa sa mga batang pinalaki sa gatas na mula sa lata na nagsasabi na magiging wiz kid ang kanilang anak kapag ininom nila ito. Ang nilalaman kasi ng gatas na ito ay iba sa gatas na nabibili sa palengke. Medyo dilawish ito, pero siksik sa mga nutrisyon na maaring mangaling lamang sa isang ina. Kung sa bagay, magandang bonding time ito para sa ina at anak dahil nafefeel ng ina ang anak ang presensya ng bawat isa at nagbibigay ito sa kanila ng sense of love and care (kahit nga si papa umiinum ng gatas kay mama). Hindi naman masama kung galing sa lata ang gatas na ipinaiinom sa anak. uraduhin lamang na ito ay angkop sa kanyang edad at may sapat na nutrisyon upang bigyan ang sanggol ng kaukulang lakas para mabuhay. Hindi pinapainom sa baby ang mga bagay na hindi pa niya kayang inumin o kaya’y kainin.
Sa paglaki ng bata ay kung anu ano na ang kinakain nito, maging ito man ay nakakain o mukhang pwedeng kainin. Noong bata raw ako sabi ng nanay ko na uminom daw ako ng isang bote ng alcohol, yung ipinapahid sa balat. Napaisip tuloy ako… ano kaya ang lasa nun at ano ang nagtulak sa akin upang inumin iyon? Nagutom ba ako at naghahanap ng dededehin at napagtripan ko na uminom ng alcohol dahil pareho ang mukha ng lalagyan nila? O kaya itinakda talaga ako na maging exhibitionist sa perya at uminom naman ng kerosene at magbuga ng apoy. Isa lang pala ang sagot, basic instinct. Bilang batang walang kamuwang-muwang sa mundo na aking kinalalagyan, kung tinatawag ako ng aking katawan upang punuan ito, kahit ano ay maari kong gawin. Kaya wala akong pakialam kung alcohol man iyon o rat poison.basta mapunan ang pangangailangan ko kasi wala ang aking inaasahan. Buti na lamang walang masamang epekto sa akin ang alcohol. Ang pagiging praning ko ay siguro nangaling sa Shaken Baby Syndrome ko, kyut daw kasi ako eh.
Kaya kung ikaw ay sanggol pa lamang o may anak na, bigyan ng halaga ang gatas na ipinaiinom mo sa iyong anak, ito ang susi sa mas magandang kinabukasan kasabay ng mabuting pagaalaga, pagmamahal, education insurance at pagbigay ng lahat ng luho. At laging tandaan na langing itago ang alcohol sa mataas na lugar upang hindi ito maabot ng mga batang gahaman sa maiinom, gayundin ang rat poison at beer.
Ngayon na natapos natin ang tungkol sa panunahing pagkain sa ating kabataan, ang gatas. Sa ating paglaki ay marami na tayong nalalaman na iba’t ibang uri ng pagkain na nagiging bahagi ng ating buhay. Marami sila, at sa paglipas ng panahon ay nakakaimbento ang tao ng mga makabagong mga pagkain na siyang magpapalakas ng ating gana sa pagkain at pagastos.
Noong unang panahon, isang kayamanan na sa mga Pilipino na magkaroon ng yelo para sa mga pagkain maging sa mga inumin. Inaangkat pa kasi ang mga yelo galing sa Antartika o kaya sa mga naipong snow nung winter. At dahil sa tagal ng biyahe ng mga ito kailangan yata nila ng isang toneladang yelo sa Antartika para maging ice cube pag nakarating na sa Pilipinas, kaya ang yelo noon ay napakamahal, parang ginto ang halaga ng yelo noon. Pero ngayon ay nagbago na, mula sa inaangkat na yelo mula sa malalayong lugar ay puwede mo nang bilhin mula sa tindahan sa halagang barya lamang. Hindi na iniimport o iniexport ang yelo sa anumang bansa sa mundo, siguro mayroon rin dun sa mga bansa na wala pang refrigerator.
Marami rin ang gamit ng yelo sa ating mga bahay. Nakabuo pa nga ang mga Pilipino ng mga putaheng may yelo tulad ng halohalo, mais con yelo, ice candy, ice drop at marami pang iba. Nagtatangal nga naman ng init ng ulo lalo pag sa summer. Mas masarap rin ang inumin kapag ito ay malamig tulad ng tubig, cola, at champaigne. Nagagamit rin ito sa pagprepreserba ng mga pagkain na maaring tumagal ayon sa lamig nito. Pag wala naman kayong ref sa bahay text nyo nalang si Doc. ALDRIN BAGASINA ika nga sa Batman. Makikita mo nga sa mga barkong nangingisda na mayroon silang malaking stock ng yelo para sa kanilang mga huli upang hindi ito mabulok. Naawa ako minsan sa mga isda kapag sila ay lumalangoy sa dagat ng yelo bago malugtan ng hininga at ibenta (Kasama kaya si MUTYA dito o si DARNA. Kawawa aman). Paano kung tayo ay mamatay, maari ba tayong ihagis sa mga yelo kapag tayo ay ibuburol upang hindi tayo mabulok, kaysa sa formaline. Kasi pag nasa yelo ka cool ka at ang yelo maganda sa balat kaya para ka na rin nagpaderma. At kapag nilibig ka cool ka parin at hindi nagmumukhang tinurukang gulay.
Malayo na ang narating ng tao sa paggawa ng pagkain. Nagsimula pa ito mula sa unang sibilisasyon kung saan ang kinakain lamang ay ang mga bungang kahoy, karne, isda, at prutas. Ngayon ay mayrron nang hotdog, cheese, ham, pizza, spaghetti, noodles, bacon, at marami pang iba (oh! mama tamana yan hindi yan pagkain). Ang pag-unlad ng pagkain ay sabay sa pag-unlad ng pagkain. Kung noon ang mga pagkain ay OK na sa pagluto sa apoy, ngayon maging ang mga sangkap ay dumadaan sa mahaba at mabusising prosesso para mabuo pa lang iyon. Tulad ng asin, na noon ay pinatutuyo lang sa tubig dagat ang mga asinan at POOF! Asin na siya. Ngayon ay ang mga asin ay kailangan na dumaan sa prosesong iodinization, kung saan ang asin ay dadagdagan ng iodine para maging mas masustansya at mas pino. At hindi pa dun tapos, dahil kailangan pa itong ilagay sa mga supot nang may tamang timbang, at ipagbenta sa mga supermarket para ibenta hangang makarating ito sa suki mong tindahan at pagnabili mo na siya POOF! Insatant iodized salt! Asin pa lang yan, paano na kung ikuwento ko ang pinagmulan ng lahat ng mga sangkap ng Kare-Kare.
Kung noon ang pagkain ay simpleng gawin at lutuin, ngayon kailangan na ng mga chemist, nutritionist, dietrician, pediatrician, gym instructor, at nuclear physicist para maihanda ang iyong pakain. Mula sa simpleng lugaw, nilagyan ng twalya at naging goto, nilagyan ng manok at karot naging arroz caldo, pagnalagyan ng tsokolate naging champorado, at lagyan ng sirang kalabasa at kangkong, kaning baboy na. Maraming variations ang magagawa mo sa mga pagkain ngayon. Sa dami ng mga sangkap mula sa buong mundo ay kaya mo nang gawin ang mga ito at mag-experiment ng mga luto na sa tingin mo ay pwedeng kainin ng iyong pamilya at ihain sa hotel. Mahilig ako sa pagluluto, kaya hindi ko maiwasan na mag experimento ng ilan sa kanila. At dahil sa hirap ng buhay, kailangan na maging praktikal. Kaya kong gumawa ng tatlong putahe mula sa kalahating kilo ng baboy na pwedeng kanin ng isang buong pamilya sa buong araw? Kung ayaw ninyong maniwala, heto yung successful na experimento ko sa aming kusina, na nais kong ibahagi sa mga budget conscious na mamimili.

Mga putahe mula sa kalahating kilong laman ng baboy (totoo ‘to!)
1. Fried pork cubes with potato cuts
a. Mula sa 1/3 ng kalahating kilo ng baboy ay hatiin ang mga ito na parang rectangle na may laki na iyong nais.
b. Ilagay ito sa isang lalagyan na nilagyan ng 2 tasang harina, kaunting paminta, at 1 kutsaritang asin (kung gusto ninyo ng tamang timpla, bumili na lamang ng chicken breading). Alugin para kumapit ang sangkap sa baboy.
c. Matapos malagyan ang baboy ilagay na rin ang mga hiniwang patatas na parang mojo sa natirang harina, dagdagan ang harina depede sa dami ng patatas.
d. Iprito ang mga ito sa mantika, at pagkatapos ay ihain ng may ketchup o sour cream dip.
2. Pork steak
a. I-fillet ang 1/3 ng kalahating kilong laman ng baboy at ibabad sa marinade mix (toyo, suka, paminta at asukal na optional) ng isang oras.
b. Pakuluin ang sabaw nito hangang ang baboy ay lumambot. Maaring dagdagan ng toyo at suka para magkaroon ng lasa ito.
c. Pagmalambot na ang baboy, pwede nang lagyan ng onion rings pagkahain.
3. Mongo ala chicharon
a. Tadtarin ng maliliit na bahagi ang 1/3 ng kalahating kilong laman ng baboy na kasing laki ng mga bente singko sentimos. Igisa ito kasama ang sibuyas, bawang, at kaunting kamatis.
b. Habang pinalalambot na ng baboy, magpakulo na ng mongo hangang madurong na ito at maging medyo malapot.
c. Kapag parehong malmbot na paghaluin ang dalawa at lagyan ng malungay at chichraong baboy. Huwag kalimutan na lagyan ng pampalasa tulad ng asin para magkalasa ang iyong lutuin.
d.Ihain ng may durog na ghicharon sa ibabaw at ng mga maliliit na dahon ng malungay para may style.
e. Ilan lang iyan sa mga naggawa kong experimento, hndi na kailangan na maging magastos o nakapagtapos sa cooking school para makagawa ng mga ganitong putahe, purong pagmamahal lamang sa pagkain.
4. Vege-Salad Ala Karmina De La Rosas
a. Bumili ng isang kalahating kilo ng Espinatz na may uud pa sa dahon. At ilagay ito sa maruming plato. Kung walang Espinatz pwede nading alogbati para sa mga my high blood.
b. Magtadtad ng luya, sibuyas, kamatis, pipino at singkamas at ibudbud ito sa kumukulong sikmura ng plato kasama sa dahon ng espinatz.
c. Magdagdag ng honey, daddy, papo, dadz o kahit na anong pangpatamis pwede. Huwag lang ipa upo sa plato.
d. Pangpadagdag lasa asin, durog na paminta, vitsen, kung wala namang mga sangkap pwede nading maglagay ng bagoong gamot din ito sa may mga kidney problem.
e. Ang pang huling sangkap syempre and olive oil at suka para pangpadulas, pangpakintab, kung wala naman kayong olive oil, lutsyon, gel o spray ok na pwede na din. Huwag lang lagyan ng pabango lalangawin nyan.
Kung hindi ninyo nagustuhan ang mga lutong ito, hindi ko naman kayo pinagagawa, ipinakita ko lamang ang mga ito. Kung nasusuka ka sa ginawa ko, OA na yan, hindi ako gumawa ng kanin baboy (gusto mo bang mai-feature ko ito?), pero nirerespeto ko naman ang inyong panlasa, dahil hindi pare-pareho ang ating mga dila.Bahala na kayo kung gagawin niyo ang mga ito. Isang lingcod bayan ito handog sa inyo ang kwentong ito. Kung kayo ay may hilig din sa pagluluto, huwag matakot na mag experimento, maaring hindi man ito katangap tangap sa panlasa ng iba, sikapin na hanpin ang kiliti nila upang maging mas magaling na tagaluto.
Ang pagkain ay maaaring maituring mo na kaibigan o kaaway lalo na pagdating sa iyong timbang. Mayroong mga tao na mahilig kumain kay tumataba. Mayroon naman na hindi kumakain at pumapayat. Natural iyon pero, minsan mayroon naman na kumakain ng madalas pero mukhang nagpa-lipo sa buong katawan. At may kaunti ngang kumain pero parang lumunok ng isang buong litson kasama ang stick ang katawan. Paano nangyayari ito? Ang sagot dito ay ang ating metabolismo, ang siyang salarin sa pagtunaw ng mga pagkain para maging enerhiya ng katawan. Minsan kasi ay mabagal ang pagtunaw kaya maraming natitirang taba. Mayroong sobrang bilis naman na natutunaw ang kinakain kay palaging gutom. Kung nais mo na magdiet, dapat may paninindigan ka. Walang exemptions. Ang diet naman ay daan para makondiyon ang katawan tungo sa mas magandang pigura. Pero minsan hindi ito effective, Kaya nariyan naman ang mga kaibigan mong si Doc. MANLAPIG at Doc. SALMONILLA at sila na ang bahala, basta may sapat kang pera.
Ayon kay ELIZABETH GINETE ng Pirlas ng Sinilangan, ang pagkain ay mahalaga para sa kalusugan ng tao, maari itong magdulot ng buhay sa maysakit at kamatayan sa malusog. Kaya ang bawat na pagkain ay may mahalagang bahagi kung ano ang ating lakas para sa araw na iyon. Kung ang mapagkain ay isang uri ng bagay na pwede isalaksak sa bibig at ngunguyain, mas komplikado pa ang proseso nito kaysa sa paggawa nito. Ang pagkain ay pinagkukuhanan ng energy na mula sa kemikal na bumubuo sa pagkain. At mayroon pang iba pang mga kemikial na maaring makatulong sa pagbigay ng tibay ng katawan ng tao, kaya nga para makabenta ay inaadvertise ang iba’t ibang uri ng Vitamins at Minerals. Mayroon na kasing Vitamin A, B, C, D, at iba pa, mayroon pa itong K at di maglaon ay marami pang bitamina ang makikilala. Ano kaya ang maitutulong pagnatagpuan na ang Vitamin J, Q, U, V, W, X, Y, at Z. Di maglalaon ay mabubuo na ng buong alphabeto. Tapos maaring pa ang dumagdag na bitamina at mineral, mahalaga na bigyan ng sapat na nutrisyon ang katawan. Pero kahit minsan, ang sobrang bitamina at mineral sa katawan ay makakapagdudulot ng masamang epekto sa atin ng hindi natin namamalayan.
Narito ang magandang dulot at mga masamang epekto sa sobrang pagiintake ng mga bitamina at mineral:
Ascorbic Acid - o vitamin C, kilala sa pagpapatatag ng resistensya. Kapag sumobra ay nakakapadudulot ng constipation at panghihina.
Iron - nagpapatatag ng dugo pero delikado kapag sumobra sa kinakailangan, maaring magdulot ng hypertension at high blood (teka, parang pareho yata yun?)
Iodine - isa sa mga sangkap pinoy na pinopromote ng pamahalaan para maiwasan ang goiter at iodine deficiency. Ang mineral na ito ay maari naming magkapagdulot ng hyperthyroidism na mas epektib pa kaysa sa anorexia, bohemia, at tuberculosis sa pagpapayat ng tao.
Vitamin A - ang bitamina para luminaw ang mata at nagpapaganda ng balat. Pero pag sumobra, maaring matuksong manilip sa mga butas dahil sa malinaw na mga mata.
Zinc - isa itong mineral na nagpapalakas ng resistensya na palaging nasa commercial ng mga gatas para ito at maging mabili. Bilang isang metallic element hindi rin maganda kapag ito ay sumobra, maari madamage ang dugo o kaya ang resistensya mo.
Ngayon na alam mo na ang mga nagagawa ng nutrisyon sa iyong katawan, mahlagang malaman mo kung ano ang iba pang gamit ng pagkain bukod sa pagiging nutrisyon lang para sa ating katawan. Marami pala ang gamit nila, at minsan hindi mo ito aakalain. Kaya kung mahilig kang magsayang ng pagkain, o kung hindi hilig na kumain palagi, ito na lang ang gawin mo sa kanila na talagang mapapakinabangan mo.
Nasabi ko na nga na ang mga pagkain ngayon ay dumadaan sa matitinding mga paraan para mabuo at ang naging bunga nito ay ang mas malasa, mas makulay, at mas maraming mga pakinabang di lamang sa pagluluto kundi rin sa ating mga buhay. Isang halimbawa na nabangit ko ay ang asin. Ang asin ay kilala bilang unibersal na pampalasa. Hindi lang pangpaalat ng dila ito. Maari rin palang gamitin ang asin para sa mga singaw (matagal na itong ginagamit kahit ang mga sinauang Pilipino. Hindi na kailangan ng endorsement mula sa mga kilalang Pilipino tulad ni BUDI SORANO dahil naging kakibat na ito ng ating kultura). Nagagamit rin ang asin para sa mga yelo para hindi ito matunaw kaagad. May agent kasi ang asin para hindi matunaw kaagad ang yelo at mapanatili ang lamig. Kaya kung bibili ka ng dirty ice cream sa ilalim ng mainit na araw, subukan mong silipin kung mayroong asin ang loob ng lalagyan ng yelo ni manong at sabihin na pakilagyan na rin ang iyong ice cream para hindi matunaw kaagad. Ang asin din ay maaring gamitin sa mga mananagal ibudbud ito sa hating katawan upang ito ay mamatay. At kung mananagal man o hindi mamatay talaga ang taong lagyan ng asin ang iyong lamang loob dahil acidic ito at tutunawin ang inyong mga balun-balunan o kahit sa sugat mo lagyan mo ng asin at tignan ko kung hindi ito magliyab sa sobrang sakit. Ang asin rin ay nakakatulong sa buoyancy ng mga sasakyang dagat. Dahil sa maalat ang dagat, ang density ng tubig ay bumibigat at nagpapalakas ng buoyancy ng mga bagay. Sa Dead sea, kung saan ang pinakamaalat na dagat ay napapalutang ang mga bagay na akala natin ay lulubog na. Kung magswiswiming ka dun, hindi ka matatakot na malunod dahil lulutang ka ng kusa dahil sa alat ng dagat, huwag na lang na magtagal sa tubig dahil bukod sa SUPER alat na tubig, ang mainit na klima doon ay kaya kangang gawing tuyo sa ibabaw ng tubig. Kulang na lang ay tumalon ka sa kawali at magpaprito para ihain kasama ang mainit na champorado sa gitna ng malakas at malamig na ulan dito…Mmm sarap!
Kung asin ay marami nag pakinabang, ang pinakamatinding karibal nito ang asukal, ay mayroon din maraming gamit. Ang asukal bilang isang pure extract ng tubo ay may maraming gamit tulad ng pagpapaganda. Tama ang iyong narinig, nagpapaganda ang asukal. Ihalo lang ito sa olive o coconut oil at ipahid sa balat ay makakatulong para magkaroon ng moisture ang balat at POOF! Gaganda na ang iyong balat. Tandaan lang na banlawan ito matapos ang ilang minuto para hindi ka pakyawin ng mga langgam at mamaga ang iyong skin sa kanilang mga kagat.
Punta naman tayo sa suka. Akala mo na puro asim lang ang dulot nito sa buhay mo, napakaraming gamit pala nito sa ating bahay bukod na ginagamit sa adobo at paksiw. Ang suka ay maaring gamitin sa paglilinis para matangal ana lansa o amoy na nakakapit sa gamit natin sa bahay. At nalaman ko rin na mas mabisang pangtangal ng kusot ang suka kaysa sa tubig sa pagpaplantsa. Dahil sa acidic properties din nito namamatay ang mga bacteria, kaya pala ang ilang mga cleaner na binebenta ngayon ay naglalagay na rin ng suka sa kanilang ingredients para mas effective. Pero mas maganda ang suka mismo dahil hindi mo naman pwedeng itong ilagay sa pagkain mo tulad ng suka. Tandaan lamang na kaunting suka lang ang gagamitin kasama ang kaunting tubig dahil baka malinis nga ang bahay mo ay mag-aamoy daig ang buong bahay.
Ang sinasabing tanging pagkain na hindi napapanis ay ang pulot o honey. Sinasabi nga na ang pulot ay ang pagkain ng mga diyos. Matamis ito pero hindi nakaka-diabeties. At ang pulot ay ginagamit na ngayon sa mga pruduktong pampaganda tulad ng sabon at shampoo dahil sa nagbibigay ng sustanya ito sa balat at buhok. Gamot rin pala ang honey laban sa ubo at iba pang sakit. Ngunit dahil ito ay mahal, hindi gaanong nagagamit ng mga tao ang biyaya na dulot ng pulot o honey (pwede ding gamitin ito para sa magasawang mahilig sa matamis...try nyo? diba maraming bubuyog ang makisali sa inyo).
Ang mga nabubulok ay may malaking pakinabang sa tao. Oo, ang mga nabubulok na pagkain ay maaring pagkuhanan ng biogas para magamit bilang fuel source na maaring maaring pagkuhanan ng kuryente. Kaya ngayon nais ng gobyerno na ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok para magamit ito sa enerhiya lalo na paubos na ang suplay ng langis sa buong mundo. Tandaan lamang na ang pwede lang dito ay ang mga nabubulok na pagkain. Hindi pwede dito ang bulok na sistema, pulitiko, pag-uugali at gusali. Wala kasi tayong makukuha sa kanila kundi sakit ng ulo.

Ganyan kahalaga ang pagkain sa Kwentong Kalukuhan! Mula sa nutrisyon, pangangailangan, katayuan sa buhay, pagpapaganda, gamot at maging kuryente maaring makuha mula sa kanila. Hindi lamang sila ihinahanda sa mesa upang kainin. Marami tayong nalalaman at natutunan mula sa bawat sangkap, maging ito man ay asin, asukal, suka, o dirty ice cream. Lahat sila ay may mahalagang bahagi bilang instrumento para sa bawat nilalang na mabuhay. Kaya huwag sayangin ang pera sa pagtapon sa pagkain, kung gusto niyo idonate niyo na lang sa amin o sa mga batang kalye na walng kinakain sa isang araw. Biyaya nga talaga ang pagkain. Ginagawa man ito ng may pagmamahal, may galit, maalat, maasim, o may lason, bunga ito ng pagsisikap ng isang tao na dapat pahalagahan at hindi balewalain. Sa susunod na ika’y susubo ng pagkain sana maalala mo ang kwento na ito, hindi man sa nutrisyon, hindi man sa tinuro kong Apat kung putahe sa kalahating kilong baboy, kundi sa sarap ng buhay tulad ng pagkain. Bon Apetit!