Like and Follow:


Friday, February 4, 2011

ANG KWENTONG KALUKUHAN: Kabanata 4: Bakit Kailangan ng Damit, Bahay, Aso at Tsinelas?

      In short ang kabanatang ito ay tungkol sa mga pangangailangan sa buhay, mga necessities. Marami tayong pangangailangan sa buhay, pagkain, tahanan, damit, edukasyon, cellphone at load. Kailangan din natin na magkaroon ng mga kaibigang lamang lupa, kaaway na mga demonyo, mga alagang hayop kagaya ng baboy ramo, kapre at mananangal, at mga imaginary friends kagaya nila Mickey mouse, Pluto at Tengker Bell.

      Ito ang mga pangunahing pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao, kilalanin mo ang iyong sarili kung saan ka nabibilang ayon sa mga bagay na hindi ka mabubuhay kung wala ka:

1. Mga karaniwang Pilipino

Pagkain, kahit tatllong beses sa isang araw, OK na. Minsan pwede ring isingit ang mirienda.

Bahay, sarili man o kahit paupahan lang ito basta masaya na ang mag-anak sa tahanan na titirahan ng matagal na panahon.

Pag-aaral, normal na pag-aaral sa publiko o sa pribado na eskwelahan. Maaring umabot ng kolehiyo at makatapos ng maaliwalas.

Tubig, mula sa Nawasa at Magat Dam

Kuryente, mula sa Iselco. Ngunit walang magawa kung tumaas ito lingo-lingo

TV, bahagi na ito ng karaniwang Pilipino, isang kahon ng kayamanan na iniingatan sa loob ng mahabang panahon. Pinagkukunan ng balita (mabuti o masama), inspirayson, at pruduktong kailangan bilhin kahit hindi kasama sa buget.

Radyo, biubuksan sa umaga ng mga matatanda bilang pang-aliw sa mapungay na umaga kasabay ang mainit na kape at dyaryo…ummm… sarap!

VCD, kaya nga nauso ang pirated CD/DVD kasi marami ang tumangkilik sa VCD. Bilang isang makinang maraming pakinabang, handa ang pinoy na mag-invest sa mga ito para mapanood ang kanilang mga CD at VCD. Kung may kaya ng kaunti, DVD player kahit made in China.

Damit, na nainvest mula sa mga ukay-ukay, sale at regalo mula sa ibang tao sa pasko at birthday. Napapanatili itong maayos kahit sa loob ng maraming taon. Minsan ipinamamana na ito sa mga anak, pero mahihiya na sila kung ibibigay sa apo.

Aso - bantay, tagpi, brownie, whitey, ang bumubuo sa pamilyang pinoy para maging masaya at secured. Kailangan, oo, dahil ito ang security system ng mga Pilipino. Pero kung wala ka nito. Ok lang. Kung hindi kaya ng mga may-ari na alagaan ay hayaan na lumibot na kalsada at paramihin ang special breed ng mga aso, ang mga canis ascalus domesticus philipinniensis o ang askal. Mainam rin ang mga Felix domesticus galalensis philippineniensis o pusang gala. Parehong proudly pinoy.

Tsinelas, mahalaga ito dahil hindi lahat ng pagkakataon ay naksapatos araw-araw. Bilang pambansang sapin sa paa, mahalaga ang tsinelas dahil sa dami ng gamit nito kung mawala ang isa sa kapares nito ay hindi na tayo mapakali. Hindi na uso ang bakya, dahil sa para kang nakakatawag ng mga kulisap at mga ahas dahil sa ingay na iyong nagagawa.

2. Mga mahihirap na Pilipino

Pagkain, kung mayon man. Minsan pwede na ang toyo, asin, kanin at kung may kaya, tuyo.

Siyempre damit, kahit ukay-ukay o nabili sa divisora na may tatak ng mga usong brand na karaniwan o lahat ay imitation.

Karton, o kariton mga yero at gamit na kahoy para sa bahay. At kung may kaya din, may gulong sa ibabaw ng bahay.

Pag-aaral ng elementary at high school, depende kung mayroong pampasok. Kung maunlad ng kaunti muli, nag-aaral sa public school sa kabilang bayan

Tubig, na makukuha hindi sa NAWASA o sa Magat Dam perowede rin na makisalok sa mga butas na tubo nila na free of charge. Maaring iavail rin sa mga suking creek o sa basura infested na batis at dagat. Kung maykaya, sa poso.

Kuryente, kahit walang kuntador, basta may jumper lang solb na!

TV, yup necessity yan. Hindi ka mahirap kung wala niyan kahit ito man ay surplus sa Japan o bigay ng isang kaibigan na nagtatapon ng TV. Any brand will do basta may mapapanood kahit static.

Radyo, unti-unting nawawala na sa necessity dahil sa TV pero gamit parin bilang pangunahing pangangailangan ng impormasyon lalo na kung hindi kaya na makabili ng dyaryo.

VCD/DVD, oo necessity na rin yan. Kasama ng TV, multi function na rin. Ang VCD ay maari ring awing videoke machine, MP3-4-5 player, Ipod, Touchpad at CD player, talagang a must!

3. Mga feeling na mayaman na Pilipino

Pagkain, dapat ay may pangalan at class kung marinig ang pangalan. Hindi uso ang palengke, dapat sa mall galling ang mga pangangailangan.

Bahay, dapat stand-out mas mataas sa mga kapit bahay, may matingkad na kulay para agaw pansin. Kahit na ito ay inupahan lang dapat maipakilala ang arili bilang may-ari nito. Puno rin ang bahay ng maraming x-mas lights para ibilang sa mga sosy type.

Jewelry, Kailangan din accessories kahit paano para masabihan na mayaman. Pero karamihan dito ay mga pwet lang ng baso, bihira lang ang genuine. At kung wala nang pera ay sinasangla! At muli hindi ito pinapaalam sa mga amiga para hindi pagtawanan. Hehehe…

Pag-aaral, dapat ay sa private schools only. Dapat ay panggalan din, kung hindi, no thanks. Kahit ang tuition ay lagpas sa kinikita ng pamilya sa buong taon, kailangan pa rin, or else pagtatawanan ka ng mga kapitbahay mo. Hahahaha!

Tubig, dapat mineral. Kung minsan mineral din ang pang mumog at panligo. Mahirap na daw ang magkasakit a maduming tubing mula sa mga gripo. Yuckers daw iyon. Hahahahahaha!

Kuryente, syempre sobrang taas nito at hindi na ipnapaalam sa tao na sila ay naputulan. At dapat mapakabit na ito muli bago pa malaman ito ng mga kapitbahay kundi tatawanan ka muli ng mga kapitbahay. Bwahahahahahahahahaha!

TV, its not just your ordinary TV. Dapat may magandang specifications. May pangalan tulad ng Sony, Samsung, LG, Panasonic, at iba pang sosy brands. Hindi surplus, ni hindi dapat bumaba ng 21 inches ang laki ng screen. Dapat rin flat screen at may sama na iba pang entertainment showcase tulad ng DVD player, original DVD titles, dolby digital surround sound sytem. At ilang pirated DVD na nakatago sa mata ng mga bisita. Ha!

Super ultra mega bass component system na kaya na ring magpatugtog ng ingay na parang kayang sirain ang sound barrier at makagawa ng sonic boom sa inyong pamayanan at magdulot ng sakit ng ulo at tenga. Dapat braded din ito at kaya na magpatugtog ng DVD, MP3, VCD, CD, cassette tape, at betamax. A must rin kung may dolby digital surround sound feature at nakakabit sa bawat sulok ng living room ang mga woopers. Hahahahahahahahahahahahahahehehehehehehe!!!

Cellphone, any latest mobile phone will do basta may camera, video streaming 3G technology, which includes video call, broadband web brosing, built in MP3 player, java games at Bluetooth headset. Basic pa lamang yun, para sa mga sobrang techie (thækîëí o teki ), magtanong na lang sa iyong local cable subscriber. Hahehe!

Telephone, syempre pag may celphone kailangan din ang telephone. Kasi paso na ng kaunti, malakas pa rin ang hatak at pangangailangan ng mga telepono para sa ganitong uri ng Pilipino. Tulad ng kuryente, dapat itago ang mga bills na di pa bayad at mag-out of town pagpaparating na taga singil sa tubig.para hindi rin matulad sa kuryente.

Computer, isa sa pinakamahalaga, dapat swak na swak sa specifications ng gagamit. Siyempre dapat Pentium V, Celeron, Athlon, Duron, Pentium Dual core, Quadcore o Octocore o better, Windows XP, Window 7-Live, Linux, Macintosh o ang mga latest. Complete set din dapat, may printer, scanner, optical mouse, bluethooth device, USB port, at sangkatutak na PC programs mula sa suki sa Quiapo. Hihihi!

4. Mga “May kayang” na Pilipino

Pagkain, ordinary pagkain ng tatlong beses sa isang araw, pero fiesta ang nakahanda sa isang kainan, pero dahil diet conscious at sobrang busy hindi sila gaanong kumakain ng marami. At kung may matitira, ipapakain sa aso o tinatabi ng katulong para makisalo sa syota niyang driver. Malaking sayang ang matititra! Kung alam lang nila kung gaano karaming tao sa Aprika at Asya at pati sa bansa natin! Dapat itatag ang TT Foundation o tira-tira foundation upang ibigay ang mga “tira-tira” ng mga “may kayang” mamayanan.

Bahay, simpleng masion lang, mga 3 hektarya lang ang laki. May simpleng car park, simpleng swimming pool, mga simpleng magagarang kotse, at mga mahal na simleng dekorasyon sa bahay.

Pag-aaral, College degree lamang ang natapos nila kung kakayanin pa ay mag dodoktor, abugado at college dean lamang sila. Nag-aaral sila sa munting paaralan ng De La Salle, Ateneo, Internatioal School, o mga kaantas nito sa matrikula.

Tubig, simpleng tubig mula sa malaking tanke, para sa paglilinis ng buong mansion, swimming pool, mga kotse at pandilig sa dalang hektaryang lupa. Para sa inumin ay umuoorder naman ng mineral tubig tulad ng mga feeling na mayaman. Pero hindi nila ito pinangmumumog at pinanliligo!

Kuryente, katulad din ng mga nabangit pero ang halaga nito ay square ng doble ng halaga ng kuryente na ginamit ng lahat ng mga nabangit. Pero di tulad ng iba. On time sila magbayad trhough credit card, check at COD.

TV, para maiwasan ang away sa loob ng bahay nagproprovide sila ng ratio ng TV sa tao na 1:1. Tulad ng feeling rich ang specifications pero pure original ang lahat. Walang lugar para sa pirata. Hindi pa dyan kasama ang home theather system, Entertainment showcase, at pangkabuhayan showcase.

Radyo, para sa mga katulong kung walang gagawin.

Computer - tulad din ng feeling mayaman pero original ang lahat, at ang computer minsan ay branded at hindi package deal. Hindi pa kasama ang laptop, I-pod, at PDA.

Jewelry - simpleng magagara at napakamahal na alahas lamang ang nais nila sa buhay.. Hindi tulad ng mga feeling rich na pwet lang ng baso, lahat ay genuine, at hindi ito sinasangla! Ang magsangla nito ay mahirap na! Kung mas malaki ang bato, mas mayaman. Kung mas mahal at bihira ng bato mas mayaman din. Kung ipinamana ng iyong ninunong si Maria Clara, sobresaliente (pinakamahusay)!

5. Mga pulitikong Pilipino

Pagkain – mayroon silang kakaibang diet, minsan galling ito sa kanilang opisina na mula sa pondo ng bayan. Minsan nagdidiet, naghuhunger strike kung hindi kasundo ang administrasyon at gustong I donate na lamang sa mga mahihirap para puhunan sa susunod na eleksyon.

Bahay – medyo mapili rin sila pag dating sa bahay, kailangan ay maingat din dahil kung sobra ang pinapakita nitong yaman, aakalain na kurakot ka. Kung napakasimple at luma, mula ka sa political dynasty. Dapat balanced, kaya minan kumukonsulta sila sa mga feng shui experts para masuwerte.

Pag-aaral – Karamihan sa mga pulitiko ay may natapos na kurso sa kolehiyo, dyahe naman kung elementary ang natapos mo, at daig ka pa ng iyong secretary o di kaya ng janitor mo. Nag-aaral sila sa paaralan ng ACSAT, La Salle, Ateneo, UST, KHS of Institute o sa ibang bansa kagaya ng Amerika, United Kingdom, Canada, Indonesia, Thailand, Europa at Australia. Kailangan ang mayroong napag-aralan lalo na pag may session. Umpisa pa lamang ng session ay baka duguiin ka sa kinauupuan mo dahil hindi mo alam kung ano ang iyong isasagot, maliban sa yes, no, I abstain, at I second the motion.

Kuryente – medyo matipid sila sa kuyrente dahil karaniwan ay wala sila sa bahay, kung wala man sa opisina, nasa meetings, o mga opening ceremonies. Ang mga bata pag-wala sa bahay tambay sa Mall, Capeteria, more on sports kadalasan ang mga anak nila. Ang iba nagkukulong man sa bahay pero kadalasan addict sa online gaming (DOTA ika nga!) Marami silang mga gamit, pero mga pinahihram ito para sa masa, at ang masa naman ang magbabayad para dito.

TV – hindi lang sila may ari ng kanilang sarili, kundi celebrities na rin sa showbiz. Kung ang mga artista ay nais maging pulitiko, sila rin ay nais na pumasok sa magulong ,mundo ng showbiz. Nakikita sila araw-araw sa TV dahil sa balita, at mas magaling sila na kanilang sariling script. Wow fluent pang iba, at kaya nilang sabayan ang mga kontrobersyal na issue!

Radyo – Minsan kung hindi man sila nasa TV, kailangan nila ng radio. Makikita ito sa probinsya, kung saan marami ang mga stasyon ng radio. Maaring maging kaibigan o kaaway ang mga ito. At kung hindi ka satisfied sa kanilang birada sa iyo. Padadalhan na sila ng roses, teddy bear at love threat note, minsan hinahabol pa ng mga bakla hindi ba kay romantic?

DVD – minsan kung mas garapalan ang pamumulitika sa kanila, dinadaan na lang sa gyera sa DVD kung saan nilalabas ang baho ng isang tao. At dahil uso ang DVD, marami ang nakakakita nito. Karaniwan sa mga ito ay ang mga paglalaspag ng pondo ng taumbayan, mga naumsyaming mga proyekto, mga pandaraya sa eleksyon (“Heller Garci?”) , minsan naman ay ang mga sex video nila, pero hindi naman sila kasing blockbuster ng mga DVD sa quiapo. Hindi pa nagkakaroon ng rebulusyon na dahil sa DVD ng isang pulitiko. Pero patuloy pa rin sila at malay mo, maaring mapatalsik ang isang pinuno dahil sa isang sex video.

6. Mga gagong Pilipino

Droga – dahil ang bansa natin ay hindi pepekto, may mga gago pa rin na mga Pilipino na nabubuhay na kahit sa droga. Slob na ang lahat, hindi na kailangan ng mga pangunahing pangangailangan, basta makasinghot, makaturok, o makahithit ng kanilang katawan. Ang droga na para sa maysakit lamang ay inaabuso para takpan ang mga frustration niya sa buhay. May categories din ang drug addictions, ang mga palaboy ay kaya lang ang rugby mula sa suking hardware. Ang mga nasa kabundukan naman ay pagtiyatiyagaan na lamang ang tumubong marijuana o talampunay (isang uri ng bulaklak na nakakahigh, oo bulaklak nga siya na nakakahay! o kaya ung bato ni darna!). Ang mga middle class at may kayang Pilipino naman ay maaring makabili ng shabu, extacy, at cough syrup.

Mga sexmates – kung ang iba ay hindi mabubuhay kung walang ka textmate. Sila naman ay hindi mapakali pag hindi makahanap ng panandaliang aliw. Ikaw, aayaw ka ba kung may mag-alok sa iyo ng libreng sex? Parang pagkain lang iyon sa kanila, at hindi matatapos ang araw kung hindi nila yun matikman.

Mga X-rated na VCD at DVD – syempre kasama sa mga props ng mga gagong Pilipino na hayop sa seks ay ang mga x-rated na VCD at DVD. Ito ang kanilang koleksyon. At may complete set sila, lahat ng scandal mula sa mga eskwelahan, motel, bayan, at iba’t ibang uri ng tao at kung minalas pati hayop (anak ng kabayo!), oo pati kabayo (anak ng pating!), yun lang ang wala pa, pero garapalan na ang magkaroon ng x video na ganito. Kung wala naman na player para sa mga disc na ito, maaari naman na gamitin ang mga phones na may video para makita ang mga clip na ito, in the tune pa ng paboritong kanta ng MP3.

Barkada – mahirap mabu-"high" kung walang kasabay. Kaya in sickness and in health, for better or for worse, till rehad do you part. Yan ang barkada. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pagkain. Ang pagkain daw sa kanila madaling mahanap, ang mabuting kaibigan ay mahirap mahanap, lalo na sa pot session.

Sumpak, bato, batuta, balisong at shuriken – ito ang kailanagn kapag nakasalubong na ang kalabang gang sa kabilang kanto. Para silang mga naglalaro ng moro-moro, yun nga lang totoo na may nasasaktan, at ang palabas na ito ay showing sa pinakamalapit na slum area na puno ng mga siga. Real time at malinaw ang mga salita, mura dito mura doon, may mababasag! Wow daig pa ang sinehan na may dolby digital surround sound! Masarap silang panoorin lalo kung mapapasama ka sa gulo, at mabato ng kanilang mga gawa gawang mga sandata. At matatapos ang palabas sa pagdating ng mga pulis, tulad ng sa mga pelikula na dumarating na pagtapos na ang away.

7. Mga OFW

Pagkaing Pinoy – Bilang mga bagong bayani ng ating panahon, syempre hahanap hanapin nila ang mga pagkain pinoy sa pagtungo nila sa ibayong dagat. Sa mga komunidad ng mga pinoy sa ibang bansa, karaniwan na ang mga handaan na puno ng mga pagkain Pilipino. Necessity ito dahil, parang ito ang nagpapakita ng pagkapilipino nila a kabila ng kalayuan sa sariling bayan.

Mga pictures ng pamilya – bilang mga bagong bayani ng bayan, kailangan din na magkaroon ng anumang alaala mula sa naiwang pamilya sa pilipinas. At ang pinakamabisa ay ang mga litrato. At kung mapapansin mo sa mga pelikula, TV specials at drama anthology, hindi mawawalan ng eksena na may hawak na litrato ng pamilyang naiwan (sabay tulo ng luha at iyak. At babangitin ang linyang “namimis ko na kayo, maghintay lamang kayo sa aking pagbabalik!”). At dahil sa modernong teknolohiya, maari nang magkakitaan ang mag-anak sa pamamagitan ng 3G technology. Hindi na kailangan na pagtyagaan ang lumang litrato ng baby mo na 25 taon na ang tanda sa kasalukuyan. On the spot makikita mo sila at malalaman mo ang kanilang kalagayan at itsura matapos na umalis ka, lalo kang maiinspire na gawin ang trabaho mo sa ibang bansa. Epektib rin ito para mahuli ang asawa kung may kasamang iba sa pagtulog o kung totoo nasa bahay ba siya, kasi walang kawala sa 3G technology.

Camera – ang pinoy kapag makarating sa ibang bansa ay hindi mapipigilan na kumuha ng mga litrato. Kahit nga OFW sila, may karapatan naman sila na makakita ng mga magandang tanawin at kunan ito ng litrato. Makikita mo sila na nakapose pa ng bigay todo.

Souveniers – syempre kapag mayroong litrato dapat may souveniers na pwede mong ipamahagi sa iyong angkan pag-uwi. At dahil sa ating mga OFW ay nagtratrabaho sa malalamig na bahagi ng mundo, nagbabaon sila ng mga bato, dahon, at snow (nilalagay sa isang garapon at dala dala hangang sa pag-uwi para ipagmalaki sa mga kaibigan). Hindi man sila talaga na mga turista pero napapakinabangan nila ang ganitong pribelehiyo sa kanilang pagtitiis sa ibang bansa. Ilan sa mga karaniwang mga pasalubong ay ang mga damit, de lata, pagkain, kape, laruan, sabon, shampoo, at SPAM! SPAM! SPAM!

8. Mga dayuhan mula sa Kanluran

Pagkain – depende sa dayuhan, mayroon na mga diyeta na sobra sobra dahil sa comfortableng buhay ssa kanilang bansa. Mayroon naman na sa sobrang busy ay nakakaligtaan na kumain bagkus ay dinadaan na lang sa southbeach diet. Sa mga bansang europeo, uso sa diet ang pasta, salad at mga bread. Sa amerika naman ay uso ang burger, French fries, at Cola.

Tirahan – uso sa mga dayuhan ang tahanan na may bahay, lote at may dog house, sabi nila mahirap pa ang lagay na ito. Ang iba naman ay nasa condominium sa malalaking lungsod. Mayroon din naman na slum areas sa mga bansa sa timog amerika at aprika. Dahil walang pag-ibig fund sa kanila todo kayod sila para makakuha ng kahit munting lote at makabayad sa mortage nito at para makapagtayo ng isang dog house.

Gas, Kuryete, at Tubig – ito ay parehong kailangan sa isang bahay, at sa ibang bansa ito ay mga metro, ano ang bago dun? Oo nga, pero ang gas? Yup hindi mo na kailangan na bumili ng tangke ng as dahil may tubo na nakalinya na sa bahay mo para sa gas at ito ay minemetro. Hindi pa ito uso sa pamayanang pinoy kasi mauuso ang nakawan ng linya ng gas tulad na lang sa kuryente at tubig sa hirap ng buhay.

Edukasyon – uso nga sa kanila ito, pero kung matlino ka Harvard ang tutumpukin mo, kung hindi naman, Old school naman ang bagsak mo.Ang mga nakatapos ay may trabaho at nagiging independent na, hindi na nila hinihingian ng tulong ang mga magulang. Hindi rin big deal kapag nakapagtapos ka ng college, sa atin pwede ka pang papiyesta pag nakatapos ka ng graduation. Malaki ang handaan, pero sa kanila, wala lang tapos na ako, trabaho na.

Media – hindi sila nabubuhay kapag walang makuhanan ng pang-aaliwan. Maging ito man ay print, radio, television, at internet. Hindi sila nabubuhay kapag wala silang makukuhanan ng kanilang kailangan sa buhay. Kahit commercial OK na sa kanila, dahil gamit ito ng kanilang fave Hollywood star. Ang iba naman kailangan ng info sa latest stock exchange, ang iba nais magbasa ng pinakabago sa gadget sa merkado.

9. Mga dayuhan mula sa Asya

Pagkain – sa mga asyano ang pagkain ay hindi buo kapag walang kanin. Ito kasi ang kinakaing kalahati ng buong populasyon. Kahit na ang mga middle east countries ay hindi sanay dito, mas lamang sa mga asyano na kumakain ng kanin sa araw-araw. At dahil dito maraming bansa na ang may sarisariling version ng kanin. May java rice, yang chow rice, shushi, arozzcaldo, arrozvalenciana, curry rice, at kanin baboy. Lahat edible. Lahat nabibili. Sale pa!

Bahay – simple lamang ang bahay ng mga Asyano. Nais lang nila ang isang lugar kung saan kasya ang buong mag-anak. Hindi sila mahilig na magkaroon ng bahay na malayo sa kanilang mga kamag-anak. Wala silang mga dog house at mababang fences katulad sa amerika dahil mas nais nila ang magkaroon ng magandang view ng kalikasan. Kasabay sa pagkain ng kanilang paboritong kanin, lalo na yung huling nabangit.

Kuryente, Tubig at Gas – ito ay kailangan din nila syempre, tulad sa iba pag dayuhan kailangan nila pero di tulad sa mga kanluraning mga bansa ay ang gas ay binibili kada tangke tulad sa pilipinas, ngunit ang mga ito ay may mababang presyo kaysa sa Pilipinas. Maging sa gamot mas mura ang mula sa mga bansang asyano dahil dito na mismo galing ang mga raw materials na kailangan sa mga ito.

Mga kagamitan na nagpapakita ng nasyonalismo – mga nasyonalista ang mga Asyano. Mahilig sila na ipakita ang knailang kultura sa iba pang bansa. Mayroong tea set ang mga Hapon, May porcelain collection ang nga Chinese, ang mga Arabo dapat mayroong rug, at mga pinoy, may picture ng last supper at isang malaking pares ng kutsara at tinidor. Basta marami sila at obvious ito sa bawat tahanang Asyano. At necessity ito, dahil kung wala ito, parang ninakawan sila ng kanilang katauhan pati ang kultura.

10. Mga mambabasa ng kwentong ito

All of the above, no further explanations. May angal ka ba?!

Yan nga ang mga necessities na kailangan ng tao, kung maykulang pa ito ay mga supplementary necessities na kailangan din sa buhay tulad ng suklay, libro, timba, batsa, balon, at tabo. Kailangan din sila sa buhay at ito ang dadalhin ng tao sa kanyang buhay. Next!